LienneNakalipas ang ilang linggo na naging maayos ang pagtira namin ng anak ko rito sa bahay. Wala kaming pasok ngayon sa trabaho. Pa day off ni Sir sa amin. Wala ring pasok sila Sean sa school.
Ginawa ko na ang dapat gawin bago bumaba para mag agahan. Nakita ko si Sean na nakikipag habulan na naman kay Koko.
"Sean let's eat." rinig kong boses ni Mat. Bakit andito pa yun. Late na yun sa trabaho niya. Sabagay kahit anong oras yun pumasok ayos lang. He's the boss by the way.
"Gising kana pala." sabi nito saken.
"Tulog pa. Nagsleep walk ako tas nakarating ako sa harap mo." pamimilosopo ko.
Nakita ko ang pagsama ng itsura at tingin nito sa akin.
"Ikaw naman di na mabiro. Kain na tayo lalamig ito oh. Masama pinag aantay ang biyaya galing sa Diyos." bawi ko naman at binigyan siya ng ngiti.
"Ang aga sinisimulan mo na naman kasi ako." sabi nito sa akin. Umupo nalang ako at baka mapagalitan na naman.
"Clean your hands before you eat. Hinawakan mo si Koko." baling nito kay Sean na kaagad naman nitong sinunod.
---Naglaba na ako at tinulungan ko si Nanay Rosie sa gawaing bahay. Pati damit ni Mat nilabhan ko narin. Pagkatapos naming kumaen ay pumasok na ito kanina sa library. Hinatidan ko nalang siya ng tanghalian niya. Nakita ko pa ang tambak na papeles na inaasikaso niya. Mga plates, blueprints at mga design ng mga iba't- ibang buildings.
Kakaligo ko lang ng mag-aya naman ito sa theater room. May dala pa itong popcorn at chichirya. Tatawagin ko sana si Sean ang kaso binawal niya ako.
FOR ADULTS ONLY. Parang alam ko na yung papanoorin.
Pumasok kami sa pintuan dito sa itaas at bumungad sa akin ang napakalaking tv screen. Mini theater niya pala. May mahabang sofa sa gitna at lamesa na pinagpatungan niya ng mga pagkaen.
"Pinakuha ko sa secretary ko." sabay pakita sa akin yung Fifty Shades Darker.
Si Christian.
"Tinanong pa saken kung bakit ko pinapakuha tapos sinabi kong papanoorin namin ng asawa ko." sabi niya sa akin. Kinilig naman ako dun.
"Sira ka talaga." tska ko siya binatukan. Kinikilig kasi ako.
Umupo ako sa ibaba ng sofa at nagsimulang kumain ng popcorn habang sinasaksak niya sa DVD yung cd. Tumabi naman siya sa akin nung magsimula na ang palabas.
Pareho naming natahimik habang nanunuod. Tanging tunog lang ng pagnguya ang maririnig sa pagitan naming dalawa.
"Ang hot naman pala ni Anastasia. Sana ganyan din kasexy yung magiging asawa ko." sabi nito sa akin. Agad naman akong naconscious sa katawan ko. Hindi naman ako ganun katabaan. Ang sexy ko nga raw. Sabi nila.
"Hanap ka. Madami niyan sa tabi."
"Hindi na kailangan. Andito kana nga hahanap pa ba ako." agad akong tumingin sakanya. Nakangisi pa ang loko.
"Anong sabi mo."
"Wala kako maganda ka sana kaso bingi ka."
"Bwisit. Wag mo akong kausapin. Nanunuod ako." pero ang totoo niyan kinikilig na ako ng sobra.
Nakita ko pa ang ilang beses na paglunok ni Mat habang pinapalabas yung mga intimate scene. May pagka perv din pala. Pinagpapawisan pa samantalang naka full naman yung mga aircon rito.
Mat
Ang lakas naman kasi ng loob ko na ayain siyang manuod ng ganito. Hindi tuloy ako makapagconcentrate. Palihim ko siyang pinagmamasdan. Gustong gusto ko na siyang sunggaban kanina pa. Buti at nakakapag pigil pa ako.