Chapter 31

2.3K 97 11
                                    


Lienne

Naglalakad ako papuntang sakayan ng trycicle dahil ngayon ang check-up ko. Medyo mabagal narin ako maglakad dahil masyado ng malaki ang tyan ko.

Magwawalong buwan narin kasi.

Birthday na ni Sean bukas. Nakakalungkot lang kasi hindi ko makakasama ang anak ko sa unang pagkakataon. Kung hindi lang sana kasi nangyari ito. Alam ko namang maibibigay ni Mat lahat ng pangangailangan ni Sean. Wala rin akong magawa dahil hindi pa sapat yung ipon ko tapos ginagamit ko pa sa mga check-ups ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

"Ang lalim naman." nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko.

"Saan ka pupunta." tanong ni Jeho sa akin.

"Check-up ko ngayon eh."

"Halika na. Sabay kana sa akin at sasamahan pa kita. Wala naman akong gagawin ngayon eh." tatanggi pa sana ako kaso.

"Wag ka ng humindi. Mahihirapan kang sumakay dahil sobrang laki na ng tyan mo. Mabato ang daan siguradong mahihirapan kalang." bumaba siya tsaka niya ako pinagbuksan ng pintuan. Sumakay narin ako dahil tama nga naman siya. Mahihirapan lang rin naman ako.


Nakarating kami kay Dra. Delos Reyes ng medyo marami ng mga buntis ang nakapila kasama ang kanilang mga asawa. Medyo nalungkot lang ako kasi may umaaalalay sa kanila kapag nahihirapan na silang tumayo at maglakad.

"Malungkot kana naman. Hayaan muna. Andito naman ako eh." nakangiting sabi sa akin ni Jeho. Umupo ito sa tabi ko tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko tsaka siya tumingin sa mga mata ko.

"Kahit na anong mangyari Lienne. Andito lang ako. Kahit alam kong hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin handa akong tulungan ka. Kung hahayaan mo lang naman ako na tumayo bilang ama ng anak mo kahit kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin." natulala na lang ako sa mga pinagsasabi ni Jeho.

"Misis kayo na po." tawag sa akin ng assistant ni Doktora. Tumango nalag ako tsaka ako pumasok sa loob. Nakasunod sa akin si Jeho.

Pinahiga ako nito sa malambot na kama tsaka itinaas ang damit ko. May pinahid ito na malamig na gel sa tiyan ko tska ako pinatingin sa monitor.

"Nakikita mo ba yan. Yan ang paa ng baby mo. Ito yung kamay niya." turo nito sa monitor.
Walang pagsidlan ang tuwa ko nung pinarinig sa akin ang heartbeat ng baby ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Congrats. It's a baby boy. Nasunod mo naman lahat ng payo ko sayo Lienne. Magiging malusog ang anak niyo. Tuloy-tuloy lang ang pag-inom ng vitamina at gatas." tumango ako sakanya tsaka pinunasan ang luha na pumapatak sa mga mata ko.

"At ikaw mister." baling nito kay Jeho.

"Alagaan mo ang mag-ina mo. Lalo na ngayon at nahihirapan na siya dahil malaki na ang tiyan niya. Wag mong papagurin."

"Opo doktora." sagot nalang niya.

Kumaen muna kami sa labas bago niya ako hinatid sa bahay. Bagong sahod kaya lakas ng loob na manlibre.

Kinuha ko ang isang alkansya ko tsaka ko siya binitak. Medyo malaki na rin pala yung ipon ko.

Buo na ang desisyon ko. Luluwas ako pa-Maynila bukas. Hindi ko kayang hindi makita ang anak ko sa espesyal na araw niya.

Madaling araw ng umalis ako sa bahay. Nagpaalam na ako kila Nanay kagabi. Sinabi ko naman na titignan ko lang naman yung anak ko. Uuwi rin naman ako kaagad. Sila pa nga ang naghatid sa akin sa sakayan ng bus.

"Mag-ingat ka roon anak. Tumawag ka lang sa amin kung may nangyare."

"Opo 'nay. Punta na po ako. Mag-iingat rin kayo ni Tatay." sabi ko sakanila. Nagmano na muna ako tsaka sumakay.
----

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon