LienneNaghain na ako ng umagahan ko at pupunta pa ako sa habihan ngayong araw. Sinabi ko naman kay Ate Kams na daanan ako rito. Kumaen na ako tsaka hinugasan lahat ng kalat ko. Nalinisan ko narin yung buong bahay. Hindi din nagtagal ay dumating narin si Ate Kams. Kinandado ko tsaka kami umalis.
"Hi. Good morning sa dalawang magandang babae na nakikita ko." Si Jeho sakay ng sasakyan niya.
"Alam ko namang si Lienne lang ang maganda sa paningin mo." sabat naman ni Ate Kams na ikinatuwa naman ni Jeho.
"Maganda ka naman ate. Kaya ka nga nagustuhan ni Kuya Greg."
"Ikaw talaga." sabay hampas sa braso ni Jeho.
"Sabay na kayo sa akin. Doon rin naman ang daan ko. Lalo na ikaw Lienne. Dapat kasi hindi ka na pumapasok. Kasi ano mang oras baka lumabas na si baby."
"Kung hindi naman ako papasok wala kaming kakainin ni baby."
"Andito naman ako. Di ba sinabi ko naman sayo na handa akong tulungan ka. Sinabi ko naman rin sayo na kung hahayaan mo ako na muna ang tatayo na tatay kay baby mo."
"Sobra-sobra na nga yung naitulong mo sa akin. Hiyang-hiya na nga ako minsan sayo tsaka sa pamilya mo dahil sa kabaitan niyo."
"Wala lang naman yun sa akin eh."
"Juskoo. kayong dalawa talaga. Masyado na akong kinikilig sa inyong dalawa. Bakit kasi hindi nalang kayo." singit ni Ate Kams.
That awkward moment hits us again. Basta ganyan talagang usapan hindi nalang ako umiimik.
Nakarating kami ng walang nagsalita sa aming tatlo. Nagpasalamat nalang ako sa kanya tsaka kami sabay ni Ate Kams na pumasok. Umupo na ako sa gawi ko tsaka tinuloy ang banig na hindi ko natapos kahapon.
"Bakit naman anak hindi ka sumama kila Aling Lumeng na pumunta ng ibang bansa kaysa naman naghihirap ka rito." sabi saken ni Nanay Poleng nakatabi ko ngayon.
"Ayos lang po yun tsaka hindi ko rin naman po kayo maiwanan."
"Ikaw talagang bata ka. Paano yan wala kang kasama sa bahay. Baka maabutan at manganak ka ng mas maaga." dagdag ni Nanay Ola.
"Hindi naman po siguro Nay." sagot ko nalang sakanya.
"Yung tatay ba ng anak mo eh wala kang balak na magpakita sayo." hindi ako nakasagot kaagad dahil sa tanong ni Nanay Ola sa akin.
"Hindi ko po alam Nanay. Kahit hindi naman na siya magpakita sa akin eh ayos naman po saken yun. Basta naaalagaan niya yung anak ko roon ayos lang."
Maaga kaming natapos ngayong araw. Nailigpit narin lahat ng kalat at naisalansan na yung mga tapos naming banig. Kukunin na iyon ni Mang Irning at ibabyahe na pa-Luzon.
Dumaan muna ako ng bayan para bumili ng bagong vitamina. Ubos na kasi yung naireseta ng doktor ko. Buti na nga lang at sinundo ni Kuya Greg si Ate Kams kaya nakisabay nalang rin ako tutal doon rin naman yung punta nila.
------
Mat
Hanggang ngayon wala parin akong update na natatanggap sa mga investigator na pinakalat ko sa buong Pilipinas. Ilang araw narin akong walang kaen at tulog dahil sa kakaisip ko kung saan ko hahanapin si Lienne. Tinawagan ko pa yung mga magulang niya. Pinagalitan ako ng Tatay ni Lienne at pinagbantaan na kapag hindi ko nahanap ang anak nila ay mananagot ako sakanila.
"Mat." tawag sa akin ni Nanay Rosie tsaka binaba ang hawak na tray na may lamang pagkaen.
"Salamat po."
"Anak. Alam mo bang nakita ko si Lienne nung birthday ni Sean. Akala ko naman nag-usap kayong dalawa. Nakita ko pa siyang umiiyak ng sumakay siya sa taxi."
"Hindi niyo po ba nakausap Nanay."
"Hindi anak. Bigla naman kasi siyang umalis. Hinabol ko pa nga kaso hindi ko na naabutan. Pero anak nung nakita ko siya napansin ko na malaki yung tiyan niya." halos mawalan ako ng hininga sa sinabi ni Nanay.
Buntis si Lienne. Faex !
"Talagang kailangan ko na siyang hanapin Nay. Kailangan niya ako dahil sa kalagayan niya. Napakarami ko ng kasalanan sa kanya Nanay. Hindi ko nga po alam kung mapapatawad niya pa ako. Lalo na sa dinadala niya ngayon."
Here it goes again. My tears continously flow on my cheeks. I really don't know what to do now.
"Hayaan mo anak. Nakikinig Diyos sa bawat hinaing ng tao. Mahahanap mo rin si Lienne." niyakap ako Nanay tsaka hinagod ang likuran ko.
Nung naging maayos na ako ay nagpaalam na siya sakin dahil hinahanap na siya nila mommy. Hapon narin kasi kailangan na siya doon sa bahay ng mga magulang ko. Doon muna sila ni Sean. Ayoko ng may makakita sa akin kung gaano kasira at magulo ang buhay ko.
Kukuha sana ako ng can beer sa ref nang tumunog ang cellphone ko sa lamesa.
"Mat." rinig kong sabi ni Mang Ben sa telepono.
"Nakarating na ba kayo sa inyo. Kamusta naman ang biyahe niyo pauwe." nagpaalam kasi siya saken kagabi na uuwi raw siya dahil ikakasal yung panganay na anak niya sa probinsiya nila sa Masbate.
"Ayos naman Ser."
"Bakit po kayo napatawag." tanong ko rito.
"Ser si Maam Lienne kasi nakita ko rito sa bayan."
"Mang Ben. Parang-awa muna pakisundan naman siya kung saan siya pupunta. Mag-aayos ako ng flight papunta diyan ngayon din."
"Sige po Ser."
Tinawagan ko kaagad yung assistant ko. Sinabi ko na aalis kami ngayon kasama ang anak ko. Pinaayos ko na yung flight namin at sinabi niya narin na ayos na kaagad. Isang oras lang rin naman yung biyahe papunta roon.
Kaagad akong nag-ayos ng gamit ko tsaka ako pumunta sa bahay nila mommy. Nagulat pa nga siya ng makita akong tumatakbo papasok.
"Mommy pakiayos yung gamit ni Sean. Aalis kami ngayon."
"Bakit saan kayo pupunta." si Daddy ang nagtanong sakin dahil kandong niya si Sean.
"Daddy alam ko na kung nasaan si Lienne at kailangan niya ako ngayon sa kondisyon niya."
"Anong nangyare sakanya Kuya." si Sierra.
"Buntis si Lienne."
Nakita ko ang pagkabigla sa sinabi ko. Agad na pinaayos ni Mommy ang gamit ni Sean.
"Iuwe mo na rito ang mag-ina mo. Suyuin mo na kaagad. Wag mo ng patagalin pa. Pagkauwe niyo ipapaayos na namin ni Mommy mo ang kasal niyo." sabi ni Dad sa akin.
"Thank you Dad."
Lumapit ako sa anak ko na hanggang ngayon nakatingin parin sa akin.
"You will see mommy na baby." sabi ko rito. Tumango lang naman ito sa akin.
Iniabot sa akin ni Nanay ang backpack ni Sean. Hinatid na kami ng driver nila mommy.
Alas singko yung schedule ng flight namin. Sakto naman ang dating namin dahil tinatawag na kami.Hawak ko si Sean sa kamay habang paakyat kami sa hagdan ng eroplano. Nung hindi ako makatiis ay tsaka ko siya binuhat.
Nung makaupo siya tsaka ko naman tinext ang assistant ko. Nagpasalamat tsaka ko pina-clear lahat ng schedule ko ng isang linggo.Tinawagan ko narin si Mang Ben at sinabi naman nito na alam na niya kung saan nakatira si Lienne. Ang nakakabigla pa nga ay nakatira lang ito sa baranggay nila.
What a small world nga naman.
Nagtext saken si Dad na may susundo sa amin pagkarating namin sa airport ng Masbate. Nag thank you narin ako sakanila tsaka nangako na iuuwe ko ang pamilya ko.
Pinapatay na ng flight attendant yung mga cellphone kaya tinago ko na sa bulsa ko.
Malapit na kitang makita baby. Promise aayusin ko na lahat.
