LienneSa bawat araw at buwan na dumaraan sa buhay ko kahit papaano ay unti-unti nagiging maayos na ako.
Iniisip ko parin si Sean. Kahit si Sean nalang siguro yung alalahanin ko. Kung kamusta na kaya siya lalo na at mag-aanim na taon na siya sa susunod na buwan. Lagi ko naman hinihiling sa Diyos na maging maayos siya tsaka malakas.
Mag-aapat na buwan narin itong tiyan ko. Halata na nga siya.
"Lienne." rinig kong tawag sa akin ni Jeho.
Nagpapataba kasi si Tatay Ener ng mais. Sumama kami ni Nanay kasi mababagot lang ako sa bahay tsaka hindi naman masyadong mainit.
"Andyan na naman si pogi." rinig kong sabi ng mga kababaihan na kasama ko rito sa kubo. Natawa nalang ako sa kanila.
Kung tutuusin napaka ideal man nitong si Jeho bukod sa malakas ang sapak sa utak. Gwapo at mabait. Alam ang lahat ng gawain sa bukid dahil nakapag tapos siya ng agrikultura at ngayon yata may pasok siya sa opisina sa bayan. Marunong siyang makisama at higit sa lakad napakalaki ng takot niya sa Diyos.
"Hindi ka pumasok." yun kaagad ang bungad ko sakanya ng makalapit siya sa gawi ko.
"Hindi ba uso mag-day off." tignan mo. Kahit kailan talaga.
"Aray naman. Napaka amasona mo talaga." reklamo nito sa akin. Paano ba naman kasi binatukan ko sa ulo.
"Oo at hindi lang naman kasi yung sagot." irap ko sakanya tsaka ulit nagsandok ng pagkaen.
"Ito naman naka lukot na kaagad yung mukha baka paglabas ng anak mo lukot din yung mukha."
Hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya."Lienne. Ang ganda ng araw ano. Kasing ganda mo." sige lang gumanyan ka pa.
"Pansinin mo naman na ako. Sige at hindi na ako mamimilosopo." itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nangangako.
As if naman.
"Tatay ! Nanay ! Si Lienne ayaw ako pansinin." parang batang sumbong niya.
Hindi ba siya nahihiya at ang daming nakakarinig sa mga sinasabi niya. Tinatawanan siya ng mga tao rito.
"Umayos ka nga Jeho. Hindi kaba nahihiya. Napaka ingay mo talaga kahit kailan."
"Eto naman. Sorry na garod. Kilala naman nila ako dito kaya ayos lang."
"Bakit kaba kasi nagpunta rito." tanong ko sakanya.
"Yayayain sana kita bukas. Mag aani kasi sila Papa ng mga gulay at prutas. May kainan din doon. Ayos lang ba sayo kung ipasyal kita doon sa bukirin namin. Sabi kasi ni Mama yayain raw kita."
"Si Mama Len ba nag-aya saken." tumango naman siya bilang sagot.
"Sige at pupunta ako." malapit narin kasi ako sa pamilya nila. Mababait sila lalo na yung Papa at Mama niya tsaka yung tatlong kapatid niya. Panganay kasi si Jeho. Kaedad ko lang siya eh.
Pagkatapos nun ay umalis na siya dahil inuutusan raw siyang mamili ng mama niya sa bayan. Susunduin niya pa yung kapatid niya.
Tinawag ko na sila Tatay Ener at manananghalian na.
"Nagawi naman si Jeho rito. Bakit daw anak."
"Nag-aaya po siya. Mag-aani raw sila bukas. Sabi kasi ni Mama Len punta raw po ako."
"Gustong-gusto ka kasi talaga ng pamilya nila. Kung dalaga ka lang talaga anak baka ipakasal na kayong dalawa ni Jeho." hirit ni Tatay na ikinatawa ko.
"Dalaga naman si Lienne." sabat ni Nanay.
"Dalagang may anak. Kumaen nalang po tayo. Magkaibigan lang po talaga kami ni Jeho. Hanggang doon nalang po yun." paliwanag ko sakanila.
Kita ko ang panghihinayang sa mga mukha nila. Hindi naman kasi ako bagay kay Jeho. Hindi ako yung babaeng para sa kanya.-----
Kinabukasan ay sinundo ako ni Jeho sa bahay. Sinalubong kami ni Mama Len tsaka ni Adi. Kapatid ni Jeho."Hi Ate. Ang ganda mo pa rin kahit malaki na yung tiyan mo." sabi nito sa akin ni Adi tsaka humalik sa pisngi ko.
"Ikaw din naman maganda eh." sabi ko sakanya. Nakita ko si Mama Len dala ang bayong na may mga gulay
"Hi Mama Len." bati ko sakanya tsaka humalik sa pisngi niya.
Iginaya ako nito papuntang kusina. Nagluluto kasi siya. Tinulungan ko siyang maghiwa ng mga sangkap sa lulutuin niya.
"Ma! Hiramin ko muna si Lienne. Ipapasyal ko lang siya." paalam ni Jeho kay Mama Len. Dadalhin raw ako sa manggahan.
"Manguha ka ng payong at baka umitim si Lienne. Ako ang manghihinayang kapag umitim yan. Andun na si Papa Zach niyo. Magdala rin kayo ng tubig at baka mauhaw kayo sa pamamasyal niyo. Magluluto muna ako rito at kakaen tayo mamaya."
Dinala ako ni Jeho sa manggahan malapit sa batisan. Andun sila Papa Zack at yung mga trabahador na namimitas. Naghiwa si Papa Zack ng hinog na mangga tsaka pinatikim sa akin.
"Ang tamis naman nito Papa Zach." sabi ko sakanya.
"Salamat anak. Dalhan mo mamaya sila Nanay Lumeng pag umuwi kayo ni Jeho. Papalagay ako sa basket."
Dinala pa nila ako sa sagingan na naninilaw narin sa hinog na mga bunga. Marami pa silang mga tanim. Malawak kasi yung lupain nila. Dinadala nila sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas lahat ng ani nila.
Alas-dose ng makauwi kami at nakahanda narin yung pagkaen. Nakalatag lahat ng pagkaen sa dahon ng saging. Buddle fight kumbaga. Pumwesto na ako katabi ni Jeho. Nagdasal muna si Papa Zach. Nagpasalamat siya sa napakaraming ani nila tsaka sa mga taong tumulong sa pag-aani.
Pinatikim sakin ni Mama Len ang kakainin na biko. Naalala ko tuloy yung Nanay ko.
"Hindi ba masarap anak kaya ganyan yang itsura mo." tanong sakin ni Mama Len.
"Hindi po. Masarap nga po yung pagkakagawa. Naalala ko lang po yung magulang ko. Magaling rin po kasi siyang magluto nito."
"Ganun ba. Alam ba nila na andito ka."
"Hindi po eh. Kaya nga po hindi ako umuwi sa amin baka po kasi sumugod yung tatay ko at mag-away pa po sila ni Mat kaya lumayo nalang po ako."
"Ikaw talagang bata ka. Sige at gagawan kita lagi ng kakanin pag nagagawi ka rito sa amin."
Gabi narin ng maihatid ako ni Jeho sa bahay. Nasa terrace sila Nanay at mukhang hinihintay ako. Kadarating lang siguro ni Tatay Ener dahil naka suot pa siya ng pambukid.
"Nay! Andito na po ako." tawag ko sakanila. Nakasunod naman sakin si Jeho bitbit ang naka-basket na mangga. Iniabot ni Jeho iyon kay Tatay.
"Salamat anak pakisabi sa mga magulang mo."
"Wala pong anuman Tatay. Paano po uwi na po ako at baka inaantay narin ako nila Mama doon."
Humalik sa pisngi ko si Jeho na ikinagulat ko tsaka nagpaalam.
"May pa-goodbye kiss na si Jeho." asar ni Nanay sa akin.
"Nagulat nga po ako eh. Una na po ako at makapagpahinga na."
"Hindi kana ba kakain." habol na sabi nila sa akin. Umiling nalang ako tsaka nagdiretso sa bahay na tinutuluyan ko.
Nahiga na ako at medyo sumasakit na naman yung katawan ko. Pero nasa isip ko parin yung ginawa ni Jeho.
Kainis naman kasi si Jeho. Hindi manlang ako sinabihan.
It's just a kiss on cheek. Walang malisya. Kaibigan lang si Jeho.
Kaibigan lang..
