LienneNilibot ko ang aking paningin ng magising ako sa hindi kilalang kwarto. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko. Tinignan ko ang aking sarili na nakabalot na ng kumot. Agad akong napaluha ng makitang wala akong suot na kahit ano. Wala akong maalala basta ang alam ko lang uminom ako ng juice na binigay ni Vince tapos..
Si Vince.
Dinampot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig tsaka ko isinuot. Naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa sofa ng sala niya.
"Gising kana pala." sabi nito sa akin tsaka itinungga ang baso na may lamang juice.
"Anong nangyare. Bakit ako nagising ng ganoon. Wala namang nagyare di ba." naguguluhan kong tanong sakanya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ilang beses kong sinabi sa kanya na walang nangyare sa amin subalit hindi parin siya umiimik.
"Nagmamakaawa ako sayo Vince. Walang nangyare di ba." umiiyak na sabi ko sakanya. Niyugyog ko pa siya ng ilang beses para kumbinsihin siyang walang nangyare sa aming dalawa subalit taliwas ang sagot na inaasahan ko sakanya.
"There is."
Halos mapaluhod ako sa sagot na sinabi niya sa akin. Umiyak lang ako ng umiyak. Nandidiri ako sa sarili ko.
Nakita kong lumuhod si Vince at pumantay sa akin. Hinawakan nito ang pisngi ko tsaka pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang humagulgol. Hindi ko akalain na magagawa ito sa akin ni Vince.
"Lienne. I'm sorry. Mahal kita kaya ko nagawa yun. Patawarin mo ako."
Hindi ko napigilan ang sarili ko ng dumapo ang kamay ko sa pisngi nito.
"Walang hiya ka. Tinuring kitang kaibigan Vince. Ang laki ng tiwala ko sayo. Pero anong ginawa mo. Sinira mo. Ako mahal mo Vince." tanong ko sakanya.
" Oo mahal na mahal kita Lienne."
"Paano mo nagawang saktan ang mahal mo Vince. Ayaw na kitang makita. Kahit anino mo. Lumayo ka nalang Vince. Hindi kita kayang mahalin dahil si Mat ang mahal ko. Hindi ako ang babaeng para sayo. Parang awa muna Vince wag kanang magpakita sa akin dahil kinasusuklaman kita." pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon ay dumiretso na ako sa pintuan tsaka umalis.
Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong nakaparada na ang sasakyan ni Mat sa harap ng bahay. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom ng kape.
"Mat." tawag ko sakanya. Kumunot ang noo nito tsaka tumayo tsaka lumapit sa akin.
"Bakit ganyan ang itsura mo. Anong nangyare sayo tsaka bakit ginabi kana ng uwi. " kita ko sa mata nito ang pag-alala.
"Pagod lang ako Mat." nasabi ko nalang sakanya. Hahanap pa ako ng tiyempo tsaka ko sasabihin kung anong nangyari sa akin.
Inalok pa ako nitong kumaen. Wala akong gana kaya sinabi ko sakanyang mauuna na ako sa kwarto. Sinabi rin ni Mat na tulog narin si Sean. Tumango nalang ako sakanya.
Dumiretso akong banyo para maligo. Nagbabad ako sa tub ng halos isang oras tsaka ko kinuskos lahat ng parte ng katawan ko. Pagkatapos nagbihis na ako tsaka tumabi sa anak ko.
Taimtim akong nagdasal sa Diyos na siya ng bahala kung anong mangyayari sa akin kinabukasan. Sakanya ko nalang ipapaubaya lahat. Siya nalang ang tanging sandigan ko sa nangyari.
---
Nagising ako ng mapansing wala na akong katabi. Hindi ko nga namalayan kung tumabi ba saken si Mat kagabi o sa kwarto niya natulog. Bumangon nalang ako. Hindi rin kasi maganda yung pakiramdam ko. Masyadong mabigat na halos gusto ko nalang mahiga ulit sa kama.
