Lienne
Nagising ako na wala na si Mat sa tabi ko. Munting sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Tinignan ko ang orasan at maaga pa.
De javu.
Tinignan ko ang lamesa malapit sa kama, nagbabakasakaling may sulat roon. Naging mabigat ang paghakbang ko papalapit roon. Nakahinga lang ako ng maluwag na dahil wala naman akong nakitang sulat.
Bumaba na ako suot ko ang damit ni Mat and a short under it. Medyo malaki rin naman yung damit kaya ayos naman.
Nakita ko sila Mat sa garden kasama ang mga pinsan nito. Andun rin sila Tita Miranda at ang asawa nito gayundin yung Mommy at Daddy ni Mat.
"Sleeping beauty is awake." sabi ni Tres. Ngumiti ako rito tsaka umupo sa tabi ni Mat habang ang anak naman namin ay nasa kabilang side at busy sa pagkalikot ng ipad niya.
"Shut up Tres." sabi ni Mat rito.
"Good Morning po." nakangiting sabi ko kila Mommy at Tita Miranda.
"Good Morning rin anak." sagot ng mommy ni Mat. Tumango n sa akin yung Daddy niya na mukhang may pinag-uusapan sila ng asawa ni Tita Miranda.
"Iba ang aura mo ngayon Lienne." biro sa akin ni Tita Miranda.
" Regalo ko kay Mat yang suot mo. Don't tell me." dagdag pa nito. Nakita ko ang mapanuksong tingin sa akin ni Tita Miranda.
Feeling ko tuloy pulang-pula na yung pisngi ko. Si Mat kasi. Tumingin ako kay Mat. Nilagay nito ang ulo ko sa leeg ko dahil hiyang-hiya na talaga ako.
"Tita naman. Wala namang ganyanan. Hiyang-hiya na si Lienne." pagtatangol naman nito sa akin. Para naman kasi akong inuusig rito.
"Ayos lang naman yan. Mas maganda nga yun baka sakaling masundan na si Sean." biro naman ng mommy nito.
Jusme.
"Hoping mom." kinurot ko siya sa tagiliran pagkatapos niyang sabihin yun. Wag naman muna.
Pagkatapos naming kumaen ay nagkayayaan muna na mag-outing bago umuwi kinabukasan.
Punta raw muna kaming dagat
sayang naman yung dagat na malapit rito kaya pumayag narin ako tutal wala narin akong magagawa pag yung anak ko narin ang humiling sa akin."Let's go." yaya ni Mat habang sinasara ko ang bag na dadalhin namin. Kinuha niya naman sakin yung bag tsaka niya sinukbit sa balikat niya.
---
Isang oras ang naging biyahe namin ng makarating kami sa white sand beach. Namangha ako sa ganda ng lugar at ng dagat. Mabuti na nga lang at hindi ako nagsuot ng summer dress kung ganoon ay mahirap na dahil masyadong malakas ang hangin.
"Hey. Sean careful anak mainit yung buhangin." sigaw ni Mat kay Sean na kaagad nagtatakbo at nagpunta kaagad sa tubig pagkatapos naming mailagay ang mga gamit namin sa isang cottage.
Kasama ni Sean sina Ivo at Iana na nagpunta kaagad sa dagat. Sumunod naman si Kuya Dos at si Ayi na asawa nito.
"Let's go Lienne bihis na tayo." yaya sa akin ni Vien.
"Mauna na kayo susunod nalang ako papakainin ko lang si Sean."
Tumango naman sila sa akin. Tinawag ko na si Sean na umahon na muna roon. Ayaw pa nung una kaso binuhat na siya ni Mat kaya ayun buti naman at sumama siya rito.
Pagkatapos kong pakainin si Sean tsaka naman ako nagbihis. Nakita ko naman halos silang lahat na magpipinsan na lumalangoy kasama ng mga bata. Buhat-buhat ni Mat si Sean dahil medyo malalim na at hanggang dibdib na ni Mat yung tubig.
