Chapter 1

1.1K 27 4
                                    

Lienne

I was busy reviewing my files ng tumawag ang pesteng kaibigan ko... Oo ganun ako ka-brutal dito. Bakit naman kasi hindi. She keep pestering me na sumama sakanila. Sa mga pang-gabing gimik nila.

Hera.

Alam ko na pakay nito saken, paulit ulit nalang akong binubwisit at inaaya sa mga night out na'yan. Gigil na gigil na ako sa paulit-ulit na pagtawag at pagkumbinsi na gumimik. Alam nilang wala akong gana sa mga ganyang hilig nila. Mahina pa man din ako sa mga alak na yun.

Ang mga babaeng conservative na tulad ko ay hindi nababagay sa mga bar na'yan. Pinalaki ako ng mga magulang ko na malayo ang loob sa mga lalaki maliban sa Tatay ko at sa mga kapatid ko.

"Lienne last na talaga na yayayain ka namin mag night-out. Pagbigyan mo naman ako please? Aalis na ako bukas papuntang Greece wala ka manlang sa despedida party ko. Kaibigan ba talaga kita. Aba'y Lienne dapat kahit minsan magkaroon ka rin naman ng social life hindi yung hanggang gabi ka nalang humahawak ng ballpen, mouse, keyboard, nakaharap sa computer at mga papeles na'yan. "

Here she goes.. puro dakdak niya na naman naririnig ko. Sabagay tama naman siya dapat kahit paminsan minsan ienjoy ko naman ang life. Hindi yung puro papel nalang inaatupag ko minsan dapat din siguro akong humawak ng mga shot glass na may alak hindi yung puro tasa ng kape na pampawala ng antok matapos ko lang ang report ng department namin.

Gigising tapos kakaen tapos magreready papasok sa trabaho tapos hanggang 6pm then uuwe na naman sa bahay then kakaen tapos tulog na. Ganun nalang lagi cycle ng buhay ko every weekdays then pag weekend minsan lumalabas kami ng mga kaibigan ko pero pag 7pm na uwi na syempre. See? may curfew rin ako sa sarili ko. Ganun ako dumisiplina sa sarili ko.

Then pag Sunday pumupunta akong simbahan to praise God and thank him sa lahat ng bagay na ginawa niya sa akin sa buong isang linggo. Syempre hindi naman ako nakakalimot dun. Pinalaki ako ng mga magulang ko na maging relihiyosa at wag kalimutan ang Diyos.

Bihira nga rin ako mag open ng mga social media account ko eh minsan lang pag may mga e-mails ako na dapat tignan at icheck.

"Ok tama na. Sumasakit lang tenga ko sayo Hera. Oo na pupunta na, masyado mo akong kinokonsensya. "

"Yes! Thank you. Ingat sa pagdadrive. Text ko nalang yung location. Finally!"

Binabaan ko na siya ng phone tsaka inayos yung mga gamit ko. Ako na naman ang naiwan sa office. Lagi nalang.

Dumaan muna akong bahay then changed my clothes. Hindi naman ako papayag na naka office suit na pupunta dun. Kahit papaano kaya ko naman iayon ang pananamit at sarili ko sa mga lugar na pinupuntahan ko.

Marunong rin naman akong magsuot ng mga sexy dresses na halos lahat ay mga kaibigan ko ang nagbibigay at pumipili para sa akin.

Maganda naman ako sa katunayan. Noong kolehiyo nga ay lagi akong sinasali ng mga professor ko bilang representative sa mga pageant sa University namin. Yung ganda at talino na pang Miss. Universe mga ganun ba.

Nang makuntento na ako sa ayos ko tsaka ko nilock ang apartment at inilagay ang susi sa may paso malapit sa pinto tsaka ko pinasibad ang sasakyan ko. Kahit hindi ako itext ng mga yun alam ko na kung nasaan sila.

Nagkaroon ka ba naman kasi ng mga sosyal na kaibigan na puro anak ng mayayaman. Hindi nga lang halata dahil mga simple lang sila kung umasta at mag-ayos.

Bahala sila. Libre naman nila lagi. Alam nila na may pinag-aaral akong mga kapatid sa probinsiya kaya sila lahat ang may sagot kapag lumalabas kami pero minsan hindi rin naman ako pumapayag na hindi sila mailibre.

Hindi mo nga mahahalata na mayayaman ang mga kaibigan ko. Lahat kasi sila humiwalay na sa poder ng magulang. Nagpaka-independent na kumbaga. Nagtratrabaho kami sa iisang kumpanya, magkakaiba lang ng departamento. Sabay-sabay pa kaming nag-apply at syempre sabay-sabay din kaming natanggap.

Coincedence lahat ng nangyari sa amin. Galing nga ng tadhana at pinagtagpo kami hanggang sa maging kaibigan ko na sila.

Bahala na kung anong mangyayari ngayong gabi. Hahayaan ko naman yung sarili ko na magpakasaya kahit papaano. Ienjoy ang sarili. Kaya walang lovelife hindi marunong umalis sa comfort zone. Masyado akong nakuntento sa kung ano at meron ako. Yung feeling na wala ka ng kailangan pa.

Pero hindi pala. Marami pang kulang sa buhay ko.

Kung magkakalove-life, magkakalove-life. Naghihintay lang naman kasi ako ng perfect timing.

Sabi nga, "Why in hurry. You are married for the rest of your life."

Kalma lang. Chill lang tayo. Wag magmadali. May tamang oras para sa love. Sa ngayon, enjoy muna. Kaya talaga namang mag-eenjoy ako ngayong gabi.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon