LienneNgayon ang alis namin papuntang probinsiya. Naging maayos naman ang christmas party nila Sean nung isang araw. Inimbitahan kaming mga magulang pati si Mat sumama kahit may meeting ito sa kliyente niya.
His son is more important than his client.
Nagkaroon ng mga palaro na halos lahat sinalihan namin. Tuwang-tuwa naman si Sean. Tapos nung nagbigayan na ng regalo lahat ng kaklase niya nabigyan niya. Sinabihan ko na rin talaga siya na lahat ng kaklase niya bigyan niya at huwag magreklamo kung isang regalo lang matatanggap niya.
The essence of giving.
Kagabi palang naiayos ko na yung mga gamit naming tatlo. Kahapon din ay umuwi rin si Nanay Rosie sa Albay para duon na magpasko at bagong taon.
Maaga kaming umalis ng bahay para maaga rin kaming makarating doon. Halos 6 hanggang 8 oras pa naman ang biyahe papunta sa probinsya namin.
Mga bandang alas dos ng makarating kami sa bayan. Kalahating oras pa bago makarating sa mismong baranggay namin. Tuwang tuwa nga si Sean ng makakita ito ng dagat. Hinintuan pa namin yun tska ko siya kinuhanan ng litrato pati kaming tatlo syempre.
Habang papalapit kami sa amin ay siya namang nagpausbong ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko na maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Saya, kaba, pero umangat parin ang takot.
Huminto na kami sa tapat kung nasaan yung bahay namin. Sa tagal kong nawala ay kahit papaano naman ay may nabago dito. Mas naging maayos na kaysa dati. Pero ang hindi mawawala ay ang sariwang hangin na dadampi sa mga balat mo. Napapalibutan kasi yung bahay namin ng halos puno ng mga niyog. Pero pagsasaka at pangingisda ang talagang kinabubuhay ng tatay sa Ilocos.Binuhat ni Mat ang anak namin dahil nakatulog ito habang nasa biyahe.
"Ate!." sigaw ng kapatid ko. Agad itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.
"Kamusta kayo Yna. Si Inay asan. Si Tatay. Si Junjun tapos si Andres nasaan sila." tanong ko rito.
"Ate ang ganda ganda mo. Lalo kang gumanda. Si nanay umalis saglet tapos si tatay naman nagpakiskis sila ng palay kasama si Junjun at Andres." agad namang napunta ang tingin ni Yna kay Mat.
"Ate siya ba yung ama nitong pamangkin ko." tumango naman ako bilang sagot dito. Agad itong lumapit sa akin at tska bumulong.
"Ate ang gwapo naman pala ng tatay ni Sean. Wala na ba siyang kapatid na pwede sa akin." kinurot ko ito sa tagiliran tska pinanlakihan ng mata.
"Ikaw Yna ah. Anong sinabi ko sayo."
"Mag-aral ng mabuti at wag munang mag boyfriend." tamad na sabi nito.
"Hi Kuya. Ako po si Yna kapatid po ako ni Ate." pakilala nito kay Mat.
"Nice meeting you. I'm your Kuya Mat. Father of your ate's son."
"Ayan na pala si nanay." agad naman akong tumingin sa likuran. Nakita ko pang binitawan ni Nanay lahat ng bitbit niya tska ito tumakbo at yumakap sa akin.
"Lienne anak." sabi nito habang umiiyak na nakayakap sa akin. Hindi ko narin napigilan ang luha ko sa pagpatak. Talagang sobra akong nangulila sa mga magulang at kapatid ko.
"Nanay andito na po ako. Wag kanang umiyak. Ikaw naman masisira ang ganda mo niyan. Kamusta na po kayo rito. Tagal ko pong nawala pasensiya na po kung ngayon lang kami nakabisita."
"Ikaw naman anak. Ayos lang kami rito ng tatay mo at mga kapatid mo." sabi ng Nanay ko at hindi parin ito matigil sa pag-iyak niya.
"Namiss kita anak ang tagal mong nawala. Sobrang saya ko talaga. Salamat sa Diyos na makakasama ka namin ngayong pasko. Ang tagal ko ng hiniling ito anak kung alam mo lang." sabi pa nito.
