MatNagising akong una kong nasilayan ang mukha ng babaeng mahal ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na masilayan sa bawat umaga na mukha ng mga mahal mo ang mabubungaran mo.
Actually ako ang nasa gitna ngayon dahil baka kasi madaganan ni Sean yung tiyan ni Lienne. Malikot din kasing matulog itong panganay namin. Kaya ang labas ako ang patungan ng mga binti at braso nilang dalawa. Kahit ang sakit sa katawan dahil hindi ako makagalaw sa kanilang dalawa lalo na si Sean at baka magising at magtantrums.
Kaninang madaling araw kasi pinunta siya nila mommy sa kwarto namin dahil nagising at hindi katabi ang mommy niya. Hinahanap niya si Lienne. Umiiyak nga at baka umalis at iniwan na naman daw siya.
Ilang beses ng sinabi nila mommy na nasa kwarto ko ang mommy niya ang kaso ayaw maniwala kaya kinuha ko na siya at pinatulog sakto namang tapos ko na gawin yung annual reports ko.
Iniayos ko ang pagkakahiga nilang dalawa tsaka ako bumangon at itinaas na ang kurtina. Tumama ang sikat ng araw sa mukha ni Lienne kaya tuluyan na siyang naalimpungatan.
"Wake up sleepyhead. Time for your walk." bati ko kay Lienne na pupungas-pungas pa. Napangiti ako sa itsura niya dahil inaantok pa talaga siya. Ihihiga niya sana ulit yung katawan niya kaso nahila ko na ang braso niya para ibangon na siyang ulit. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.
"Lienne anong oras na past-6 na ng umaga. Dapat naglalakad na tayo para hindi ka mahirapan kapag nilabas muna si baby." paalala ko sakanya.
"Ok po Sir eto na gising na talaga ako. Maghihilamos lang ako tas mag-totoothbrush lang po." tamad siya talagang bumangon. Gusto niya talaga yung nakahiga nalang siya maghapon kasi ang bigat ng katawan niya.
Dumiretso na siya sa c.r. Tinignan ko ang panganay namin na hanggang ngayon nakatulog parin.
"Sweetheart gising na." agad naman niyang minulat ang kanyang mga mata.
"What time is it daddy." tanong nito sa akin.
"It's almost 7 in the morning na anak. Gising kana at magbreakfast kana duon sa baba at ipapasyal ko muna si mommy mo rito. Maglalakad lang muna kami."
"Yes,daddy. I'll watch Jack and the Netherland Pirates on tv while I'm eating my breakfast."
"Ok sweetheart. You can go downstairs. Let Nanay Rosie prepare your food. Sabay nalang kami ni mommy mo later." agad na siyang bumaba ng kama at lumabas ng kwarto.
Sakto namang lumabas na si Lienne. Tinupi ko muna ang kumot at inayos ang kama. Pagkatapos noon ay sabay na kaming bumaba.
Andoon sila mommy sa baba at nagkakape. Si Sean naman ay nanonood ng tv habang kumakaen.
Syempre hindi mawawala ang pandesal na nasa tabi niya lagi.
"Mommy samahan ko po muna si Lienne maglakad." paalam ko kila mommy at dad na nagbabasa ng diyaryo.
"Maganda yun anak. Sige na maglakad na kayo para maaga rin kayong makabalik." sagot naman ni daddy.
Nagdala ako ng tubig tsaka bimpo. Tsaka kami umalis ng bahay.
-----Nang makabalik kami sa bahay ay kumaen na kami ni Lienne. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Nakita kong pinuntahan ni Lienne ang anak namin na lumalangoy na sa swimming pool kaya naman umakyat na ako sa taas at nagbihis.
"Ayos ng pormahan natin." pansin sa akin ni Lienne. Lumapit ako sa gawi nila ni Sean na umiinom na ng juice at ngumunguya ng sandwich. Siguradong napagod na sa paglangoy.
"Aalis lang ako baby saglit may aayusin lang ako." paalam ko sakanya tsaka humalik sa noo niya. Lumapit ako kay Sean na hahalikan ko rin sana kaso.
"Two boys never kiss." agad kong ginulo ang buhok nito na ikina-busangot ng itsura niya.
"Ang arte mo naman. Anak naman kita. Wala kang pasalubong sa akin pagka-uwe ko." sabi ko sakanya. Lagi ko kasi siyang inuuwian ng fries kapag may pinupuntahan ako.
"Sige na kiss muna ako kaso sa noo lang tsaka sa cheeks. Wag mo akong panggigigilan." bawi niya sa sinabi ko. Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya humalik na ako sakanya.
"Fries ko panget ah. Tsaka na kita tatawagin na daddy kapag meron na." kahit kailan talaga.
"Dami mong alam." sabi ko na nga lang sakanya.
"Baby alis na ako. Wala ka bang ipapabili or pasalubong na gusto." umiling naman siya sa tanong ko.
Kinuha ko na ang car keys ko tsaka pinasibad ang kotse ko sa isang coffee shop. Makikipag-kita kasi ako para ayusin ang kasal namin ni Lienne.
Month pagkatapos niyang manganak ay aayain ko na siyang magpakasal kaya ngayon palang inaayos ko na at kailangan ng magprepare. Walang kaalam-alam rito si Lienne. Gusto kong itago sakanya lahat ng galaw ko sa pag-aasikaso nitong kasal namin.
Seeing the woman you love wearing a wedding dress and walking in the aisle. Ngayon palang hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko.
Ako na siguro yung pinaka swerte at pinaka masayang lalaki sa araw na yun. Hindi na ako makapaghintay.
"Good morning Sir. I'm Santi Rivera from R&O Events and Plans."pakilala nito sa akin. Inilahad nito ang kanyang kamay na kaagad ko namang tinanggap.
Sa tingin ko ay kaparehas lang siya ng edad ni Lienne. Mas matanda kasi ako ng apat na taon sakanya.
Siya na siguro yung pinadala ng kausap ko kaninang umaga.
"Let's proceed po." sabi nito sa akin na ikina-tango ko naman.
Inaya ako nito sa table tsaka ako umupo. Nag-order na muna kami ng makakain tsaka iniabot sa akin ang clearbooks at catalogue na naglalaman ng mga lugar at pwedeng pagdausan ng kasal.
Habang iniisa-isa ko ang bawat pahina, isang larawan ang pumukaw sa atensiyon ko. Iyon na ang sinabi ko sakanya.
Tuwang-tuwa naman ito dahil iyon ang napili ko. Pagkatapos kong sabihin sskanya lahat ng dapat nilang ayusin at gawin ay nagpaalam na akong aalis. Iniabot ko narin ang calling card ko sakanya kung sakaling may itatanong siya sa akin.
Tumayo na ako at nagpasalamat. Ihahatid niya sana ako sa labas kaso paghakbang niya palang ng paa niya ay aksidente naman siyang natapilok. Buti ay nahawakan ko siya sa bewang niya kundi babagsak sana ito sa sahig.
Kung titignan mo sa malayuan ay para kaming naghahalikan kaso hindi. Iniayos ko siya ng tayo at hindi naging maging maayos dahil sa paa niya kaya umupo siya sa pintuan at pagkatingin ko sa pinto ng coffee shop na ito ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Bigla itong umalis at sumakay sa taxi. Tinakbo ko ang sasakyan at pinaharurot para maabutan ang sinasakyan niya. Sigurado akong kailangan ko ng mahabang paliwanagan sakanya pagkarating ko sa bahay.
Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse. Ililiko ko na sana ng biglang may sumalubong na isa pang sasakyan at sumalpok sa minamaneho ko.
Biglang nagkagulo ang lahat. Nakarinig ako ng iba't-ibang ingay sa paligid ko. Unti-unting namanhid ang pakiramdam ko. Wala na akong maramdaman hanggat sa hilahin na ako ng kadiliman.
Nakarinig ako ng sigawan sa labas. Pati tunog ng ambulansya. Halo-halong ingay. Hanggang sa hindi na kinaya ng mga talukap ng mata ko.
Nilamon na ng dilim ang paningin ko.