Chapter 15

2.8K 88 0
                                    


Lienne

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Literal na masama ang pakiramdam ko. Wala na yung nangyari kaninang madaling araw. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pilit na pag-alis ng nararamdaman ko para kay Mat.

Feeling ko kasi pag bumabangon ako parang binibiyak yung ulo ko. Pinatay ko narin yung aircon dahil medyo nilalamig na ako. Todo balot na nga ako ng comforter dahil nangangatal na ako sa sobrang ginaw.

Kita ko pa ang pag-agos ng ulan mula sa salamin ng bintana.Hindi na kasi huminto yung ulan mula kaninang madaling araw.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Si Sean na nga siguro yan.

"Mommy bakit ka nakaganyan po. Nilalamig ka po. Nakapatay naman na yung aircon." sabi niya habang tinatanggal ang sapatos nito.

"Mommy are you sick." dagdag niya pa. Hindi nalang ako kumibo.

Naramdaman ko pa ang paghawak nito sa noo ko at pisngi. Marunong siyang mag check kung may sakit ang isang tao. Dati kasi pag nagkakasakit ako tapos kaming dalawa lang siya talaga yung nag-aalaga sa akin.

"Ang init mo mommy. Nilalagnat kana." hindi ko naman maitatanggi iyon. Alam niya naman kasi talaga.

"Stay here mommy. Wag ka  tatayo. You might take your life at risk. Tatawagin ko lang po si Nanay para makatulong ko po para gumaling kana." sinuklian ko nalang ito ng ngiti. Agad itong lumabas sa kwarto at bumaba. Pinikit ko nalang ang mga mata ko baka sakaling matanggal ng konti yung sakit ng ulo ko.

Nakaramdam nalang ako ng pagdampi ng bimpo sa noo ko. Pagkagising ko, mukha ni Mat ang sumalubong sa akin. Babangon na sana ako kaya lang binalik niya ako sa pagkakahiga ko. Nilibot ko pa ang paningin ko. Dalawa lang kami sa kwarto. Nasa ibaba siguro si Sean.

"I'm sorry Lienne. I'm very sorry baby sa mga sinabi ko. Dapat hindi ko sinabi sayo yun. Sorry kung nasigawan kita. I'm very very sorry baby please forgive me." nakita ko ang sincerity sa mga mata niya habang binibigkas niya ang mga katagang iyan. Hinaplos haplos pa nito ang buhok ko. Nakatakas narin ang ilang butil ng luha na nagmumula sa mata ko.

"Bakit ka umiiyak baby." tanong nito na kaagad ko namang binigyan ng iling.

"Pag gumaling kana. Sasabihin ko na sayo yung problema ko kaya magpagaling kana. I'm very sorry baby."

Bwisit. Ang bilis kong bumigay. Tinawag lang akong baby.

Tumango nalang ako sakanya. Tumingin ako sa bintana at napagtantong madilim na. Hindi na rin umuulan.

"Tumakbo ako papunta sa kwarto niyo nung nakita kong umiiyak si Sean dahil minamalaria kana kanina." sabi niya pa habang binabalawan ang bimpo sa palanggana at muling pinatong ito sa noo ko. Medyo maayos narin ang pakiramdam ko. Kinuha nito ang thermometer at inipit iyon sa kili-kili ko.

"Bumaba na yung lagnat mo. Kanina kasi nag 40 pa yung temperature mo. Ngayon 38  nalang kaso may lagnat ka parin."

"Salamat." yun nalang ang naging sagot ko sakanya. He just give me his beautiful smile.

Pumasok si Nanay Rosie na may dalang tray at pagkaen. Sinabi pa niya na kumaen na silang dalawa ng anak ko. Kaya nagdala na ito ng pagkaen para sa aming dalawa. Kami nalang daw ang sabay.

"Kaya mo bang bumangon." tumango naman ako rito. Kinuha niya ang mangkok na may sabay at pinahigop ako nito mula roon.

Yung kutsarang ginagamit ko yun narin ang kutsarang ginagamit niya. Panay pa ang pagsubo niya sa akin at wala akong magawa kundi tanggapin ang sinusubo ng gwapong nilalalang na nasa harapan ko.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon