Lienne
"We present to you our Valedictorian for this school year 2016-2017. Sean Azikiel Monteclaro Alegre." sambit ng teacher sa pangalan ng anak ko. Proud akong makita siya habang umaakyat sa stage habang suot nito ang toga. Tumapat ito sa mikropono at nagsimula na siyang bigkasin ang speech na pinaghandaan nila ni Mat.
Habang binibigkas nito ang mga salita hindi ko namamalayan na may mga magulang na palang umiiyak dahil sa mga binibigkas ng anak ko.
"For my mommy that will always there. Thank you for all those sacrifices though it's quite hard to grow up without a dad and you're a single mom back then. Thank you for the hardship mommy. Thank you for growing me like this. And lastly for my dad who giving all I want for supporting me with my crush." narinig ko ang tawanan ng mga tao dahil sa sinabi nito. Nakita ko naman ang pagpunas ni Mat sa mata niyang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha nito.
"Kahit napapadalas na lagi kitang inaasar. Thank you for comming into my life and to mommy. So for all those people who are here, I'm proudly say that I love my daddy so much. Have a great day." pinunasan ko ang luhang lumalandas sa mga mata ko. Tinignan ko naman si Mat na hindi parin nahihinto ang pagluha. Lumapit sa amin si Sean tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.
"This is for you mommy. I love you very much." agad naman itong bumaling kay Mat na nakatingin rin sakanya.
"Ang iyakin mo naman panget. Ayoko ng iyakin na Daddy." biro na naman nito.
"Pagkatapos mo akong paiyakin tas aasarin mo lang ako. Wala naman tayong pinaghandaan na ganun ah. Wala namang nakalagay na iyakan portion tayo."
"Ayaw mo ba." tanong ni Sean sakanya.
"Gusto ko syempre. Halika nga rito payakap nga si Daddy." binuhat nito si Sean tsaka pinugpog ng halik ang buo nitong mukha.
Umalis kami sa venue tsaka nagtungo sa bahay nila Mat. Naghanda kasi sila Nanay Rosie at mga magulang nito ng salo-salo.
Andun din yung ibang kamag-anak nito pati mga pinsan niya."Galing naman ng baby namin. Daming medals." salubong ng mommy ni Mat kay Sean bago ito binuhat.
Nagmano ako sa mga ito pati narin sa mga Tita niya at Tito.
"Mana saken yan Mommy." sabi ni Mat sa mommy niya.
Nakaayos na ang mga pagkaen sa lamesa kaya nag-aya narin si Tita Miranda na kumaen na kami. Napuno ng tawanan ang bawat sulok ng bahay. Dahil panay ang asar nila kay Mat. Lalo na si Tres na pasimuno kaya panay ang batok sakanya ni Ligaya.
Mga bandang hapon ng magsiuwian sila at kami naman ay doon na kumaen ng hapunan tutal nandito narin kami. Gusto pa nga ng Daddy ni Mat na dito na kami matulog sa bahay nila kaso umangal si Mat dahil may aayusin pa ito sa bahay dahil may presentation siya bukas sa isang Russian investor kaya siguradong magpupuyat na naman siya.
Pagkauwi namin sa bahay ay tulog na si Sean. Napagod siguro sa pakikipaglaro kanina sa mga anak ng pinsan ni Mat. Hindi na nga rin siya nakakaen masyado ng hapunan dahil inaantok na talaga siya. Hinaplos ko ang mukha nito bago kami pinagbuksan ni Mat ng pintuan ng kotse tsaka kinuha si Sean sa akin.
"Bagsak ka ngayong bata ka." natatawang sambit ni Mat sa anak pagkatapos maibaba sa kama namin. Siya narin ang nagpalit ng damit ni Sean.
Nanguha ako ng pampalit sa closet tsaka pumasok sa banyo. Isasarado ko na sana ng humarang ang katawan ni Mat.
"Sabay na tayo magshower. Let's conserve water." ngisi nito sa akin. Kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Wala narin akong nagawa. Nakapasok na siya tsaka maniwala ka man sa hindi impossibleng walang mangyari.
Si Mat pa ba.
"Mauna ka ng matulog baby. Kailangan kong tapusin yung report ko para bukas." sabi nito sa akin.
"Timplahan nalang kita ng kape para hindi ka antukin." tumango naman siya sa sinabi ko kaya dumiretso na ako sa baba para gawan siya ng kape.
Habang naghahalo ako ng tasa tsaka naman nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Si Vince.
"Lienne. Puntahan mo ako tomorrow please. Kailangan kita."
Basa ko sa text nito sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan siya tutal kaibigan ko naman si Vince. Nagreply ako sakanya tsaka ako umakyat sa taas.
Naabutan kong busy si Mat sa pagtipa ng laptop nito habang may suot itong salamin na mas lalong nagpatingkad ng kagwapuhan niya.
"Heto na. Pag hindi mo na kaya tulog kana okay." paalala ko sakanya.
"Yes baby. Salamat sa kape. Tulog kana. Good night." sambit nito tsaka ako hinalikan sa noo.
Humiga na ako sa tabi ni Sean tsaka ipinikit ang mata ko. Kaagad naman akong hinila ng antok.
----
Nagising ako ng madaling araw tsaka kinapa ang tabi ko kaso wala parin si Mat. Tinignan ko siya sa sofa na nakakunot parin ang noo habang titig na titig ito sa screen ng laptop niya. Tinignan ko ang orasan at alas tres na ng madaling araw.
Tumayo na ako tsaka tumabi sakanya.
"Bakit bumangon ka pa." tanong nito sa akin.
"Wala kapa kasi sa tabi ko. Hindi ako makatulog." yumakap ako sa bewang niya tsaka ko pinatong ang baba ko sa balikat niya.
"Tapos ko naman na." pinatay nito ang laptop tsaka ako binuhat papunta sa kama. Tumabi narin siya sa akin. Yumakap siya sa akin tsaka ko idinantay ang binti ko sa binti niya.
Hinaplos niya naman ang buhok ko hanggang sa unti-unti narin akong dinalaw ulit ng antok.
Paggising ko wala na si Mat. Maaga siguro yung meeting niya. Naligo narin ako tsaka nagbihis. Bumaba na ako tsaka kumaen. Tulog pa si Sean sabi ni Nanay kaya binilin ko nalang ito sakanya tsaka ako pumasok.
--
Hapon na ng puntahan ko si Vince sa condo niya. Tinext ko naman na siyang andito na ako sa tapat ng unit niya. Dali naman ako nitong pinagbuksan. Inalok muna ako nito ng inumin tsaka siya pumunta sa kitchen.Paglabas niya ay may dala na itong juice. Iniabot niya sa akin yung isang baso at kaagad ko naman itong tinanggap. Uminom ako sa baso tsaka niya sinumulan yung gusto niyang sabihin.
"Alam mo kasi Lienne. Gusto kita eh kaso may gusto ka ng iba." habang sinasabi niya ang mga katagang yun ay unti-unting umiikot ang paligid ko. Wala na akong maramdaman sa paligid ko. Wala na akong boses na naririnig sakanya.
Hanggang sa nilamon na ako na ng dilim ang buong sistema ko.
