Chapter 29

2.2K 85 22
                                    

Lienne

Sumakay ako ng motor papuntang sakayan ng bus. Nilisan ko ang Maynila. Bahala na kung saan ako kayang dalhin ng paa ko. Ilang oras pa ang naging biyahe ng huminto ang sinasakyan kong bus.

Nagsibabaan lahat ng pasahero kaya pati ako bumaba narin. Naglakad lakad ako habang bitbit ko ang maleta para sana humanap ng kainan. Dahil kanina pa kumakalam yung sikmura ko.

Habang naglalakad ako ay may tatlong armadong lalaki ang lumapit sa akin. Naramdaman kong may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko. Walang masyadong tao rito kaya hindi ako makahingi ng tulong.

"Ibigay mo lahat ng pera mo Miss kung ayaw mong mamatay." banta saken ng isang armadong lalaki na malaki ang katawan.

Isinakay nila ako sa van. Nagmamakaawa ako sakanila ng ilang beses subalit hindi nila ako pinakikinggan. Hinalungkat nila lahat ng gamit ko. Nilimas nila lahat ng pera ko pati cellphone kinuha nila. Pagkatapos nilang kunin lahat tsaka nila hininto ang sasakyan sa puro bukid na lugar kung saan madalang lang ang mga bahay. Pinababa nila ako tsaka inihagis ang maleta ko. Kinuha nila ang alkansya ko. Wala na akong pera. Lahat kinuha nila sa akin.

Hinang-hina na ako. Wala na akong lakas. Gusto ng bumigay ng katawan ko. Pinilit kong tumayo kaso biglang umikot ang paningin ko hanggang sa naging madilim ang paligid ko.

----

Naalimpungatan ako sa kulay puting dingding at kisame. Nakahiga ako sa malambot na kama at may nakasaksak na swero sa kamay ko.

"Salamat sa Diyos at gising kana." napatingin ako sa nagsalitang ginang. Kung titignan ay mga nasa singkwentay-singko palang ang edad.

"Ano pong nangyare."

"Nakita ka kasi namen na nakahandusay kanina habang pauwe kame ng asawa ko. Kaya idinala ka namin rito. Mukhang dayo ka panaman yata."

Nabaling ang atensyon namin pareho ng pumasok ang doctor sa loob kasama sa tingin ko ay asawa ng ginang na nasa tabi ko.

"Kamusta po siya doc." tanong ng ginang.

"Ok na siya sa ngayon. Nahimatay siya dahil sa pagod at masyado ng mahina yung katawan mo. Lalo na at nagdadalang-tao ka misis. Delikado sa bata kapag mahina po ang katawan niyo. Kailangan niyo po munang manatili rito hanggang bukas hanggang sa bumalik sa dati yung katawan mo. Para sa bata. Sa ngayon po ay bibigyan ka namin ng vitamins para sa bata. Kailangan mo ring kumaen ng marami. Ingatan ang sarili misis."

Naiiyak nalang ako sa nangyayari sakin ngayon. Hinawakan ko ang impis kong tiyan. Hindi ko man lang namalayan na may bata na pala sa sinapupunan ko.

"Kapit ka lang baby. Kaya natin ito pareho. Samahan mo si mommy huh. Kapit ka lang. Sisiguraduhin kong paglabas mo maayos na lahat." bulong ko rito.

"Tama na ang iyak anak. Makakasama yan sa bata."

"Maraming salamat po."

"Ok lang yun. Ako nga pala si Nanay Lumeng. Siya naman si Tatay Ener. Mukhang bago ka lang sa lugar namin." tumango ako sa tanong ni Nanay Lumeng.

Kinuwento ko sakanila kung anong nangyari sa akin. Kung bakit ako umalis. Paano ako napadpad sa lugar nila at kung paano nakuha lahat ng ipon ko.

"Mga walang puso talaga yung mga taong yun. Bahala na ang Diyos sakanila." gigil na sabi ni Tatay Ener.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon