Chapter 22

2.5K 81 5
                                    


Lienne

Gumising ako na wala na si Mat sa tabi ko. Maaga sigurong umalis. Paggising ko wala na siya. Nakita ko nalang yung anak ko na kumakaen kasama si Nanay Rosie. Sumabay nalang ako sakanila.

Hapon ng nakita kong dumating si Mat. Nagtuloy-tuloy lang ito sa kwarto niya. Hindi man lang ako nito pinansin na parang hangin lang sa kanyang paningin.

Sinabi kong kay Nanay na ako na ang tatawag kay Mat dahil maghahapunan na. Hindi manlang ito bumaba ng kwarto simula ng dumating siya ng bahay. Ilang beses akong kumatok ngunit walang sumasagot sa loob. Pinihit ko ang seradura ng pintuan para makapasok ako sa loob ng kwarto niya.

Bumungad sa akin si Mat na nakaupo sa ibaba ng kama niya habang hawak ang baso na may lamang alak.

Iinumin na naman niya sana ang laman ng baso ng pigilin ko ito.

"Tama na yan." sabi ko sakanya. Nakita ko ang muling pagyuko nito ng sabihin ko yun. Tska niya nilagok muli ang baso na may lamang alak. Magsasalin sana siyang muli ng kunin ko ang bote mula sakanya.

"Mat tama na. Hindi kapa kumakaen ng hapunan. Tara na sa baba. Inaantay kana namin roon." iniangat nito ang ulo tska isinandal sa kama niya.

"Hayaan mo muna ako Lienne." sabi nito sa akin.

"Ano na naman bang nangyayari sayo at nagkakaganyan kana naman." pulang-pula ang mata nito ng tumitig ito siya sakin. Kita ko ang sakit na nararamdaman nito.

"Nakikipagbalikan sakin si Psyche." nasabi niya nalang. Yun pala yun. Kaya siya nagkakaganyan dahil yung ex-fiancee niya ang may kagagawan.

"Anong ginawa mo nung sinabi niya na makikipagbalikan siya. May nararamdaman ka parin ba sa kanya. Kung meron pa, ikaw na ang makakapagdesisyon nun sa sarili mo Mat." naramdaman ko ang paghaplos nito sa pisngi ko. Tsaka tumitig sa mga mata ko.

"Tinanggihan ko siya Lienne. Sinabi ko na masaya na ako sa iba. Tapos narin yung nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko na siya kailangan sa buhay ko dahil andyan kana. Kayo ng anak natin. Kayo ang nagpapasaya sa akin." sabi ni Mat tska hinalikan ang noo ko.

"You're too brave Mat. Really brave." sabi ko rito tska pinagdikit ang noo namin. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nito sa akin.

It was a soft kiss. Tsaka siya ngumiti sa akin. Tsaka ulit hinalikan ang noo ko at yumakap sa akin.

"Tapos na ang lahat sa amin Lienne at hindi ako ang nagtapos nun kundi siya. Paano ko maibabalik ang relasyong ako ang nagsimula at siya ang sumira. Tama na ang minsan. I'll deal with myself to begin with."

"That's my Mat. Let's deal with ourselves to begin with." nakangiti kong sabi sakanya.

"What do you mean." ano ba kakantahan niya nalang ba ako ng kanta ni Justin Bieber.

I kiss his lips. Nashocked pa siya sa ginawa ko. Nakita ko kasing nanglaki yung mata niya. Goodness Mat.

"Tayo na baby." sabi nito sa akin.

"Yes. Tayo na. Tumayo kana diyan at bumaba na tayo at kakain na. Nag-aantay yung anak mo doon sa kusina." nakita ko ang pagsimangot ng itsura nito. Kahit kailan talaga.

"Ikaw Mat ang talino mo kaso hindi yata nagana yang utak mo ngayon. Hindi mo parin ba nakuha yung ibig sabihin nun. Hinalikan na kita. Ako na nag-initiate nun tap---" hindi niya na ako pinatapos magsalita ng halikan niya ako ulit.

"Goodness baby." yun nalang ang nasambit nito. Natutuwa nga ako sa itsura ni Mat. Sayang wala akong dalang cellphone rito ng makuhanan siya ng litrato. Nakangiti lang kasi ng nakangiti parang sira.

"Tara na. Bumaba na tayo." hinila ako nito pagkatapos tska inakbayan ng pababa na kami sa hagdan.

"Akin kana baby. Wala ka ng takas." bulong nito sa akin ng makababa kami. Kinurot ko nga sa tagiliran. Napasigaw pa siya sa sakit nun. Humanda raw ako sakanya. Baka siya ang humanda sa akin.

"Makikitulog ulit ako sa kwarto niyo mamaya. Tabi ulit tayo." hirit pa niya.

"Pagiba na natin yung kwarto mo. Hindi muna nagagamit at lagi ka namang nakikitulog sa kwarto. Kaya nag-aaway kayo lagi ni Sean eh."

"Doon kana lang matulog sa kwarto ko. Hayaan muna si Sean doon at malaki na yun." pinaghila pa ako nito ng upuan. Tsaka siya umupo.

"Alam mo namang hindi makatulog yung anak mo ng hindi ako katabi di ba." sabi ko sakanya tsaka nagsandok ng pagkaen.

"Sinanay mo kasing ikaw yung katabi. Ayan tuloy ako tuloy mag- aadjust." tignan mo katanda na nagtatampo pa.

"Panget ba't ganyan yung itsura mo." pati tuloy yung anak niya napansin siya.

"Ikaw matulog kang mag-isa sa kwarto. Lilipat na si mommy mo sa kwarto ko. Masanay ka ng matulog mag-isa." sabi nito sa anak niya na ikinakunot naman ng noo nito.

"I don't want. I want mommy to sleep beside me and that's final." bossy na sabi nito sa ama niya na akala mo siya pa ang mas matanda rito.

"Anong that's final ka diyan. Doon na nga matu---."

"Hep. Pwedeng kumaen muna tayo tsaka kayo magbangayan na dalawa diyan. Kung mag-aaway lang rin naman kayong mag-ama dun kayo sa labas wag sa harap ng pagkaen." litanya ko sa dalawa.

"At ikaw naman Mat. Tama ba namang patulan mo yang anak mo. Seriously?."

"Eh kasi naman eh siya ka--."

"Tama na. Kumaen muna tayo pwede ba. Sige na Mat doon kana matulog sa kwarto namin mamaya." parang bat kasing nakikipagtalo sa anak. Para matapos na.

Ayun natahimik yung dalawa. Mukhang nadagdagan yung sasawayin ko.

---

Pagkatapos naming kumaen ay umakyat na kami ng anak ko. Naiwan muna si Mat si baba. Binihisan ko si Sean tska ito humiga sa kama tska kinuha ang ipad na binigay sakanya ni Mat. Regalo nito noong pasko.

Nagshower na ako at nagsuot ng sando tska pyjamas. Sinabihan ko na itong tigilan na ang paglalaro at medyo gabi narin kasi. Pinatong nito ang ipad tska pinatong sa bedside table. Kalaunan ay nakatulog rin ito sa wakas tska ko naman ito tinabihan. Pumasok si Mat dala ang laptop nito. Mukhang may kachat yata siya kaninang kliyente.

"Tulog na." sabi nito sa akin. Agad naman akong tumango habang hinahaplos ko ang likuran ni Sean. Binaba ni Mat ang laptop nito sa lamesa tska tumabi siya sa akin at yumakap.

"You smell good baby." may pang-aakit na sabi nito sa akin.

"Tumigil ka nga Mat. Matulog kana at nakainom kapa di ba. Masyado karing pagod."

"Kaya ko pa naman." tanggi pa nito sa akin tska hinahalikan ang balikat ko.

"Anong kaya ko pa naman. Tumigil kana at matulog na tayo. Pagod tayong pareho."

"Ok. Hindi na po Madaam baby." pagkasabi nito ay pinatong nito ang isang binti sa binti ko tsaka siya yumakap sa akin.

Humarap ako sakanya at nakita kong nakatulog na ito. Tinitigan ko ang itsura nito. Ang perpekto niyang mukha. Sarap niyang titigan habang nakatulog.

Hinawakan ko pa ang pisngi ni Mat tsaka ko siya kinintalan ng halik.

"Magnanakaw ka Lienne. Kakasuhan kita at ipapakulong sa puso ko ng habang-buhay. Walang pyansa baby." sabi nito sa akin habang nakapikit. Natawa nalang ako sa sinabi nito.

"Wala naman akong balak na lumaya pa kung makukulong ako." sabi ko naman rito.

"Dapat lang baby." kinikilig ang lola niyo.

Si Mat talaga.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon