Chapter 23

2.5K 73 0
                                    


Lienne

Bawat araw na dumadaan ay mas lalong nagiging sweet si Mat saken. Ihahatid niya ako tapos sabay kaming kakaen ng lunch tapos pag hapon naman ay susunduin niya ako at sabay kaming uuwe ng bahay.

Pinapadalan ng mga bulaklak tas mga chocolates na yung anak lang namin ang kumakaen. Minsan may paharana pa. Lagi na rin siyang natutulog sa kwarto. Hindi ko rin naman alam sa anak ko kung kaylan ako pahihiwalayin sa higaan. Mukhang inaasar niya nga si Mat sa mga ginagawa niya.

May kapilyuhan pa nga siyang ginagawa kay Mat. Minsan magigising nalang si Mat na may mga guhit na ng lipstick yung mukha niya. Kinukuhanan pa ng litrato minsan ni Sean tapos pinapakita kila Nanay Rosie tas ginagatungan ko pa. Naka wallpaper pa nga phone ko yung picture niya tas inaupload ko pa minsan sa instagram tas nakikita niya. Galit na galit na yan. Nag aalburoto na yung ilong niyan tapos tenga.

Pero alam namin pag sobrang naiinis naman na siya samin ng anak niya tapos nananahimik na yan sa isang tabi. Naku kailangan na namin siyang suyuin ng anak niya. Syempre dumarating rin tayo sa point na napupuno na siguro siya dahil sa amin.

Sinasabi niya nga sa akin na sa akin daw talaga nagmana yung anak namin sa kapilyuhan. Basta pag negative sa akin.

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Mat. Pupunta raw kami ng Batangas sa bahay ng tita niya roon. Pinapapunta kami dahil may okasyon raw sakanila bukas tsaka gusto rin nilang makita si Sean. Tinawagan naman kami ng mommy ni Mat na andun na sila.

"Mommy marami po na horse doon." tanong ng anak ko. Sinabi ko kasi kanina kay Sean na sa hacienda kami pupunta.

"Oo madaming kabayo doon. Ipapasipa kita kay Choco pagkarating natin doon." sabi ni Mat sa anak niya.

"Mommy." nasabi nalang ng anak ko. Nakita ko ang namumuong luha sa mata ng anak ko.

Kinurot ko naman sa tagiliran si Mat. Aba'y dapat ba namang patulan yung anak.

Gumawi na sa pwesto ko si Sean tska umiyak sa balikat ko. Kaagad ko namang hinagod ang likod nito tsaka ko inalo.

"I HATE YOU PANGET." sabi ni Sean kay Mat. Magaling mang-asar si Sean pero madali rin itong mapikon tska iiyak. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Mat dahil sa sinabi ni Sean. Umiiyak parin ito sa balikat ko.

"Biro lang ni Daddy yun anak." sabi ni Mat tsaka hinalikan ang buhok ni Sean.

"Hindi magagawa yun ni Daddy. Pag ginawa niya yun eh di nawalan na ako ng gwapong anak. Sorry na baby. Please forgive daddy biro lang yun." dagdag pa nito.

Huminto naman ang pag-iyak nito. Nung tinignan ko ay nakatulog na siya. Kaya inayos ko na ang pagkakahiga nito sa bisig ko.

"Ikaw talaga Mat. Pati anak mo pinapatulan mo. Tama ba namang takutin yung bata na ipapasipa sa kabayo. Kung ikaw kaya ang ipasipa ko diyan."

"Sorry na nga eh." sabi nalang nito sa akin tsaka itinuon ang atensyon muli sa pagmamaneho.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko. Si Mat pala.

"Andito na tayo baby. Tinulugan niyo akong dalawa."

Bumaba siya tsaka binuksan ang pintuan sa gawi ko. Nakita ko ang paglabas ng mommy ni Mat mula sa malamansyong bahay.

Binuhat ni Mat ang anak naming nakatulog parin hanggang ngayon.

Lumapit ako sa mommy ni Mat tsaka humalik sa pisngi nito. Hinawakan ako sa braso tsaka ako hinila papuntang sala. Nagulat naman ako sa mga taong nakaupo sa sofa. Agad akong nahiya tsaka yumuko.

"Hey guys don't look like her like that." sabi ng mommy ni Mat.

Bigla namang sumulpot si Mat buhat ang anak namin na nakatulog parin.

"What's your name iha." tanong sa akin ng isang babae na may kaedaran na ngunit hindi parin maikakaila ang pagkasopistikada at kagandahan nito.

"Lienne po." sagot ko rito. Agad naman itong ngumiti sa akin tsaka lumapit. Nagulat nalang ako ng yakapin ako nito tska halikan.

"I'm Tita Miranda." sabi naman nito sa akin.

"Hello po." nasabi ko nalang.

Tinignan ko pa si Mat kung nasa tabi ko pa. Iniwan na pala ako. Siguro ay inakyat na nito si Sean.

"Hey. Come on. Welcome her." yaya ni Tita Miranda sa tingin ko mga pinsan ni Mat.

Lumapit sila sakin. Tsaka nagpakilala. Mababait ang pinsan ni Mat. Pati mga babaeng pinsan nito ay mababait sa akin dahil parehas raw kaming magaganda.

Nakikipagkwentuhan na ako sa kanila ng may dumating na isang lalaki na kaedaran rin ni Mat. Lumapit ito sa gawi ko tsaka hinawakan ang kamay ko at hinalikan.

"Don't touch her. She's mine so you better BACK OFF Tres." sabay sabay pa kaming lumingon sa pinanggalingan ng tinig na umalingawngaw sa buong sala.

Nakita ko pa ang pagngisi nito bago binitawan ang kamay ko at hindi na naituloy nito ang paghalik sa kamay ko.

"Hindi ko naman siya aagawin sayo dude." itinaas nito ang kamay nito ang kamay at pinakita ang daliri nitong may singsing.

"Engaged." nakangising sabi nito kay Mat.

"O to the M to the G Kuya. The whom." eksahiradang sabi ni Wanna .

"Secret." nakangiting sabi nalang nito.

Umupo si Mat sa tabi ko tsaka pinulupot ang braso sa bewang ko.

"Possesive mo dude. Iyong-iyo na si binibining ganda."

"Don't call her binibini cause she's not." pinalo ko ang binti nito dahil sa tono ng pananalita niya.

"Ganda nalang." natatawang sabi nito. Nanlisik ang mata ni Mat sa sinabi ni Tres.

"Lienne." ako na nagpakilala sa sarili ko. Si Mat kasi hindi na maipinta yung itsura.

"Nice meeting you. Finally. Wag kang mag-alala dude sayo na si Lienne. Marunong akong tumupad sa bro code dude kaya don't me."

"What the heck. Don't me. Ang bakla mo Tres." tawang-tawa na sabi ni Rence.

"Saan mo naman natutunan yang mga ganyan." dagdag pa nito.

"Kay Ligaya." singit ni Dos. Kapatid ni Tres malamang. May asawa narin ito at dalawang anak.

"I'll bring her later." sabi nalang nito tsaka dumiretso sa taas.

Inaya ko si Mat sa kwarto para makapagpalit ng damit dahil kanina pa ako lagkit na lagkit sa itsura ko.

"Tama ba namang pakitunguhan yung pinsan ng ganun."

"Matinik kasi sa mga babae yun. Sa aming magpipinsan siya ang pinaka maraming babae tsaka alam ko namang may itsura siya. Mahilig ka pa naman sa gwapo."

"Ewan ko sayo Mat." inis kong sabi sakanya.

"Alam ko naman sa aming magpipinsan ako ang pinakagwapo." confident pang sabi saken.

"Tsaka mukha namang nagtino na nga si Tres." dagdag pa nito.

"Sure ka na ikaw ang pinakagwapo." tanong ko sakanya. Tumango naman ito sa sinabi ko.

"Ang gwapo kaya ni Rence tapos si Asher tapos si Ace. Si Lucas gwapo rin. Tsaka si Tres tap--."

"Sige magbanggit ka pa ng mga pangalan ng pinsan ko. I will make love to you right here and right now on that bathroom and you will scream my name until your running out of breath." mariing wika nito sa akin.

Dahil sa inis ko binato ko sakanya yung unan na nahawakan ko tsaka ako dumiretso sa cr para magshower. Narinig ko pa ang pagbanggit ni Mat ng pangalan ko ng ilang beses bago lumuob at magpalit.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon