Meet Francisco Lachowski a.k.a Sean Matias Alegre.
Lienne
Pagkatapos kong maipark ang sasakyan ko, ingay na agad sa loob ang sumalubong sa akin. Agad ko namang hinanap ang mga kaibigan ko kasabay nuon nahagip ko ang pares ng mata na nakatitig sa akin subalit dali dali ko naman itong iniwasan.
Agad akong nagtungo sa pwesto ng ma kaibigan ko.
"Finally, Maria Clara is here" Salubong ng kaibigan kong si Sheen na kaagad ko namang binatukan.
Agad naman akong umupo sa tabi ng kaibigan kong si Lana na abot ang tingin sa mga lalaki sa paligid. Sa aming apat na magkakaibigan siya ang mas liberated kung tignan. Mas alive ang social life niya kesa sa aming tatlo dahil halos gabi gabi yata kung sino sinong lalaki ang kasama niyang lumalabas sa bar. Fling lang ganon.
"Finally sumama ka din sa'min Lienne." sabi ni Lana sa akin tska itinungga ang shot glass na hawak niya.
"You'll enjoy this night loves i'll promise. Ipapakilala ka namin sa mga kakilala naming boys." Sabat naman ni Hera na abot sa tenga na ang ngiti.
Mukha talagang mapapasubo ako ngayong gabi.
"Ipapakilala sa mga boys. Baka naman mga chikilogs yan girl." Sabi ko sa mga pisti na kaibigan ko
"Susme.Kami pa ba? Wala kaming irereto sayo na hindi mo magugustuhan. We assure you . Garantisado na namin yan. Ibang klase taste namin sa mga lalaki ano mga imash atska ayaw mo yun magkakaroon na ng kulay 'yang buhay mo ano. Mamaya nga makabingwit ka ng isang malaking isda dito. As I know andito na naman si Sean." kinikilig na sabi ni Lana
"Sino na naman yung Sean na sinasabi mo?." out of curiosity na tanong ko.
Tinignan ko sila na abot ang kilig na akala mo mga inasnan na uod.
"Siya lang naman ang hottest boy in town na kinababaliwan ng kahit sino. Kaso babaero. Wala siyang naging opisyal na karelasyon tsaka puro fling lang naman ang pinaggagawa sa buhay. Kung ano ang kinayaman niya ngayon eh kaliwa't kanan naman ang mga babae niya, gwapo siya napaka perfect ng mukha ng katawan. Lahat as in kompleto. Wala ka ng maihihiling pa kasi nasa kanya na ang lahat na gusto ng mga kababaihan. Talaga namang biyaya siya ng kalangitan. Isa siyang hulog ng langit sa mga babae dito. Kaya yung ibang babae rito kulang nalang wag ng magsuot ng damit para lang mapansin ni Sean. Swerte magiging girl of this night niya." Sagot niya sa akin
"Hulog ng langit.Baka talaga namang hinulog ng langit. " Sabi ko sakanila tsaka tumayo.
"Saan ka pupunta? Hahanapin mo si Sean." natatawang sabi ni Hera sa akin.
"Funny. Pero hindi ako interesado sa kanya. Punta lang akong bar counter dahil alam kong iiwan niyo rin ako maya-maya." sagot ko sakanila.
"You go Maria Clara. Sayang naman ang suot mo kung hindi mo irarampa." sigaw ni Sheen. Medyo lumalakas narin kasi yung tunog kaya alam kong magsisisibat narin yang mga yan maya-maya.
Lumapit ako sa bar counter tsaka umupo sa high stool. Nagpakuha ako sa kanya ng shot glass at isang bote ng Jack Daniel.
Nakakailang shots na ako medyo umiikot narin yung paningin ko, napapayukyok narin ako sa counter sa sobrang kalasingan ko. Sobrang baba kasi talaga ng alcohol tolerance ko eh dapat nga talaga dadalas dalasan ko na ang gumimik. Sobrang init na ng pakiramdam ko para na akong sinisilaban. Ganito ba talaga yung epekto nun. Hanggang smirnoff lang kasi talaga ako.
Maya maya pa may lumapit sa akin na isang lalaki. Medyo tipsy narin naman yung lakad niya nang lumapit siya saken. Nanlalabo na yung paningin ko sa kanya pero hindi pa rin maikaka-ila ang gwapo nitong itsura. Yung mukha na talagang hinulog ng langit. Talagang biyaya sa mga kababaihan kumbaga.
Sean.
"Hi." he said and who am I not to say hello tsaka ngumiti sakanya. Yung pinakamatamis na ngiti na yung ginamit ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi na ako ito. Hindi na ako si Lienne. Kung ano-ano na yung nagagawa ko.
Hinapit niya ako sa bewang tsaka niya itinutok yung bibig niya sa tenga ko na nagpakilabot at bumuhay sa buong pagkatao ko.
"Are you free toni----" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil sinunggaban ko na siya agad. Para kasing may kusa ng tumulak sa akin na halikan na siya kaagad. Dala narin siguro ng alak talagang wala na ako sa wisyo.
Nakikita ko nalang ang sarili ko na sumakay sa sasakyan niya.
"My place or yours." He said
"You're place." I told him bago niya mabilis na pinasibad ang kotse.