Lienne
Naalimpungatan ako ng may mabigat na bagay na dumantay sa binti ko. Naimulat ko ang aking mata habang mahigpit na nakayakap sa akin si Mat. Saglit ko namang pinagmasdan ang tulog na itsura nito.
Masyado ng humahaba yung facial hair niya. Hindi naman sa ayoko mas lalo pang nagmatured ang itsura niya dahil sa konting tubo ng buhok sa mukha niya.
"Hey morning baby." sabay halik nito sa noo ko.
"Morning too baby. Get up na. Hindi ka ba papasok ngayon. Tanghali na."
"You forgot something huh." sabi nito sa akin. Agad namang kumunot ang noo ko.
Agad siyang tumayo sa kwarto at nagtungo sa banyo. Ako naiwan na nakanganga. Tumayo narin ako tsaka naunang bumaba.
"Mommy. My teacher told me to give you this." pakita nito sa akin ang isang program.
Graduation niya na pala sa Monday.
"Wow. Ang galing naman ng baby namin. Best in Science tapos Best in Math. Best in English. Acad Awardee of the Year. Boyscout of the Year and you're class Valedictorian." manghang sabi ko sakanya.
"Yes mommy. Kaya I want daddy help me to do my speech on my graduation." sakto namang pababa na si Mat at nakabihis na ito ng opisina.
"Hey kaen ka muna bago ka pumasok." yaya ko sakanya.
" Sa office nalang." sagot lang nito sa akin tska humalik kay Sean tapos ako wala. Nagdiretso lang siya sa kotse niya tsaka umalis. Hinayaan ko nalang baka naman kasi nagmamadali kaya hindi na nagawang humalik at magpaalam.
Dumiretso kami ni Sean sa kusina tsaka kumaen kaming tatlo nila Nanay Rosie. Buti at wala akong pasok ngayon kaya matutulungan ko si Nanay sa gawaing bahay.
Umakyat muna ako sa taas tsaka nagpalit ng damit at short. Rinig ko naman ang pag-alarm ng cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Nakaalarm kasi siya talaga ng 9am. Papatayin ko na sana siya ng mabasa ko ang nakasulat sa screen nito.
Napatampal nalang ako sa noo ko ng mabasa ang note ko mula rito. Goodness. Nakalimutan ko. We're almost a half in this relationship. Buwan buwan yun tas ngayon ko pa naman nakalimutan. Kaya naman pala. Nagexpect siguro siya na babatiin ko siya kaninang umaga kaso nakalimutan ko talaga. Kaya pala hindi manlang siya nagpaalam sa akin tsaka humalik sa noo ko bago siya pumasok sa trabaho niya na parati niya namang ginagawa sa akin. Babawi ako baby.
"Nanay anong oras daw po uwi ni Mat mamaya." tanong ko kay Nanay Rosie.
"Mga alas-sais na ng gabi anak. Bakit."
"Ako nalang po magluluto ng pagkaen naten mamayang gabi."
"Sige anak ikaw ang bahala. Bakit ano bang meron." tanong pa nito tsaka dinakot ang mga kalat sa kusina.
"Eh kasi po nakalimutan ko po na batiin siya kaninang paggising ko. Monthsary kasi po namin. Si Mat kasi andaming pauso. Ang tanda na namin sa mga monthsary na yan Nay. Pang-teen lang naman kasi yung mga ganyang bagay. Eh kaso si Mat mukhang nagtampo kanina kaya ayun. Surprise ko po siya pambawi kumbaga. Si Mat kasi pumifeeling teenager." pati si Nanay natawa sa sinabi ko.
"Hayaan muna anak kahit may tampo yun eh sweet naman at mapagmahal ng sobra." wika nito sa akin.
"Aba'y super Nanay." nakangiti ko namang sabi rito.
"Osige ikaw na bahala mamaya. Kung may kailangan ka o kaya naman kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang tawagin ako."
"Sige po Nanay. Salamat po." sabi ko rito tsaka siya lumabas at magdidilig na siya ng mga halaman sa labas.