Chapter 16

2.9K 83 0
                                    

Lienne

Katatapos lang namin magsimba ng anak ko at siya rin namang kadarating ng sasakyan ni Mat. Hindi parin ito kinikibo ng anak niya.

Talaga naman kapag tinopak ang anak ko kahit sino hindi niya sinasanto. Naranasan ko narin yan minsan. Halos buong maghapon na hindi niya ako pinansin.

Tinakot ko lang siya nun na iiwanan ko na siya tapos nun tinakbo niya ako sa pintuan. Nagbibiro lang naman akong iiwan siya nun.

God knows na hindi ko kayang gawin yun sa anak ko. Wala lang talaga akong choice kundi sabihin yun dahil yun lang ang alam kong choice para magkaayos kami. Takot kasi siya ng walang katabi matulog eh.

Hanggang ngayon.

Nakita ko pang pinagmasdan ni Mat si Sean paakyat ng kwarto at hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin.

"Anong itsura yan. Para kang natalo ng limandaang milyon." sabi ko pa habang binababa yung mga pinamili kong mga baon ni Sean sa school.

"Kailan kaya ako papansinin nun." malungkot sa sabi niya sa akin. Nakarinig pa ako ng buntong hininga mula rito.

"Hanggat wala kang ginagawa para suyuin yang anak mo, eh walang mangyayari sayo. Ikaw naman kasi alam mo nang bagong gising pinaandaran mo pa. May saltik karin kasi sa tuktok ng ulo mo eh. Si Sean hindi mo pa masyadong kilala yan dahil wala pa naman kaming isang buwan sa bahay mo. You should know you're son well. Mas matindi pa yung saltik sa ulo ng batang yun sayo eh." pati siya ay natawa nalang sa sinabi ko.

"That dog." nasabi niya nalang at agad na kinuha yung car key niya na nasa lamesa. Agad nitong pinasibad yung kotse niya.

Bahala siya. Suyuin niya anak niya.

-----

Katatapos lang namin kumaen ng dumating si Mat. May hawak pa itong aso.

"Nako naman anak. Alam mo namang may bata rito nagdating ka pa ng aso." salubong ni Nanay Rosie rito.

"Hindi po 'nay. Mabait po ito tska pina inject ko narin ng anti-rabies. Tska hindi naman po para sa akin ito." sagot naman ni Mat.

"Para naman kanino." takang tanong ni Nanay sakanya.

"Para po sa masungit na bulinggit. Peace offering ko po sakanya. Inaway ko po kasi kahapon. Hanggang ngayon po kasi hindi parin ako pinapansin."

"Ngayon nakahanap karin ng katapat mo. Mas malala pa sayo." natawa nalang rin ako sa sinabi ni Nanay. Totoo naman kasi eh. Sorry siya nagkaroon siya ng anak na ganyan. Pagtiyagaan niya yung ugali.

"Kaya nga po 'nay. Taob po pala ako." ayun sinabi niya rin yung totoo.

"Kumaen kana bang bata ka. Ipaghahanda kita."

"Tapos na po. Inaya rin kasi ako ni Law na kumaen sa labas. Tapos kinuha ko yung aso sa shop niya."

"Asan nga pala si Sean." tanong niya naman sa akin.

"Tignan mo sa likod. Andoon na naman yun." sabi ko nalang sakanya tska ako tumuloy sa taas para magbihis.

---

Mat

Nakita ko ang anak kong naglalaro habang may hawak itong shovel at truck na malaki. Agad kong pinakawalan ang aso na hawak ko at tumakbo naman ito sa gawi niya.

Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha nito lalo na ng dambahin siya ng aso at dilaan sa mukha. Narinig ko pa ang munti nitong hagikgik tska itunuon ang atensyon sa gawi ko.

"For you son. My peace offering. Bati na tayo baby." sabi ko pa rito tska niya binuhat ang aso na ngayo'y yakap niya na.

"Hindi naman talaga ako galit sayo panget. Nagtampo lang talaga ako dahil hindi mo na ako binibilan ng aso. Ilang araw na din yun." tugon naman niya.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon