Chapter 36

440 13 0
                                    

Lienne

Kinaumagahan talagang sinabak ko si Mat sa taniman ng palay kasama yung ibang manananim rito. Buti nga at makulimlim at hindi tirik ang araw. Andito lang kami ng anak ko sa kubo. Tinatawanan nga siya ni Sean dahil puro putik na yung buong damit niya. Panay pa nga ang kuha ng litrato sa ipad niya.

Messenger.

Sinend niya yun sa family chat yata. Nakita kong nag pop-out yung litrato ng babae na yun.

"Oh my god. Is your daddy really do that baby." basa ko. Hindi alam ni Sean na nakikibasa narin ako sa usapan nila.

Baby.

Close talaga sila ng anak ko. Busy sa pagtitipa ang anak ko ng sasabihin niya. Hinayaan ko na nga lang. Dapat binibigyan ko rin ng sariling privacy yung anak ko.
Kaya umalis nalang ako sa likuran niya at kumuha ng tubig.

Lumapit na sila rito sa kubo kaya naghain na ako ng pagkaen nila. Binigyan ko ng bimpo si Mat para punasan ang katawan niyang puro pawis tsaka siya lumapit sa anak namin na busy parin sa ipad niya.

"Why did you send that to your Mama Sierra. Natatawa na yun sa akin ngayon." inis na sabi niya sa anak namin.

Wow. Nahiya pa siya. Tsaka bakit Mama yung sinabi ni Mat.

Ako lang ang ina ng anak ko. Talagang binigyan niya pa ng karapatan yung babae na yun sa anak ko.

Hindi ko siya pinapansin kapag kinakausap niya ako dahil hindi parin maalis sa isip ko kung sino ba talaga yung Sierra na yun sa buhay ni Mat.

"Baby naman kausapin mo na ako please." pakiusap niya sa akin. Hindi ko parin siya kinakausap mula nung panay ang tawa nilang mag-ama kanina sa bukid.

"Ano bang problema." kanina pa siya sunod ng sunod. Nasa labas siya ng banyo habang nung naglilinis ako ng katawan. Nakaligo na nga siya. Nauna silang naligo ni Sean.

Umiling lang ako.

"Wala naman pala pero bakit ganyan ka naman sa akin baby. Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Nakakapagod namang sumunod sayo. Kanina ka pa lakad ng lakad." reklamo niya.

"Ano napapagod kana." seryoso kong tanong sakanya.

"Syempre hindi baby. Ikaw naman hindi mabiro."

"Mat may hindi kaba sinasabi sa akin."

"Ano ba namang tanong yan baby. Wala akong inililihim sayo."

"Mat." huminga ako ng malalim.
"Atleast this time can you be honest to me." nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Mat may babae ka ba." seryoso kong tanong sakanya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Unti-unti narin akong nanghihina dahil sa magiging sagot niya. Napayuko nalang ako dahil nararamdaman ko na babagsak na ang mga luha sa mata ko.

"Meron." walang emosyong sabi niya sa akin. Syempre naman Lienne meron talaga. Yung babae niya nga kasi. Nagtanong pa kasi ako.

Hindi ako makahinga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Milyon-milyong karayom ang tumusok at nagwasak ng puso ko. Hindi ko narin napigilan ang pag-alpas ng luha mula sa mga mata ko.

Dapat ko na nga talagang tanggapin na may babae ng pumalit sa pwesto ko sa puso ni Mat. Kaya pala wala man lang akong narinig na mahal niya ako at puro sorry lang. Nanghingi pa siya ng second chance. Para ano !

Para ba paasahin ako. Mahal ko siya pero paano naman ako kung may mahal na siyang iba.

Nagbalik ang katinuan ko ng iangat nito ang baba ko. Hilam na ako sa luha.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon