Chapter 19

2.7K 85 0
                                    


Lienne

Nagising akong parang may mabigat na bagay na nakadagan sa bewang ko, braso pala ni Mat. Babangon na sana ako ng muli niya akong ibalik sa pagkakahiga ko.

"Let's just stay like this baby." paos na sabi nito saken.

"Tanghali na. Bumangon kana diyan. Wala ka bang pasok ngayon."

"I'm the boss remember." tska uli ito yumakap sa akin.

"Halika na bumaba. Mamaya inaantay na tayo dun ni Sean sa baba." ayaw pa talaga niyang bumangon. Hinila ko na ito para makatayo kaso ako yung nahila. Bumagsak tuloy ako sa ibabaw niya. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nito sa akin tsaka ako hinalikan sa noo.

"Nakakarami kana. Quota ka na ngayong araw. Tara na. Tama na ang tsansing." tumayo naman siya kaagad tsaka niya ako inakbayan.

"Hindi naba masakit yung puson mo."

"Hindi na po. Thank you sa chocolate. Wag lang sana tumaas yung sugar ko." sagot ko naman rito. Tsaka pinisil yung ilong ko.

Tinawag na ni Mat si Sean para kumaen. Andun pala sila ni Nanay sa likod tinutulungan niya ito sa pagdidilig ng mga rose. Medyo basa na nga yung damit niya. Mukhang nilaro na naman yung tubig pati si Koko kasi medyo basa rin.

"Mat gusto ko sanang magpasko kami ni Sean sa probinsya kung ok lang sayo." panimula ko. Matagal ko narin kasing napag isipan na puntahan na sila. Sabagay matagal narin naman yun baka humupa na yung galit sa akin ng tatay.

Tumingin lang naman ito sa akin tska muling ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Hindi nalang ulit ako umimik dahil nakita ko na naman ang pagseryoso ng mukha nito.

"Kailan ang alis niyo." seryoso na pagkakasabi nito sa akin.

"Mga disperas narin siguro. Magpapasahero nalang sigu---."

"NO." biglang sabi nito. Narinig ko pa ang pagbagsak ng kutsara't tinidor. Hindi manlang niya ako pinatapos sa sinabi ko.

Nakita ko pa ang pagtingin ng anak ko sa ama niya. Mukhang naramdaman rin niya siguro na galit ito. Yumuko nalang ako. Halos hindi ko na malunok yung kinakaen ko.

"Walang pupunta na kayong dalawa lang. At lalong walang mamamasahero." ramdam ko ang pagkaseryoso sa tinig ng pananalita nito. Konting konti nalang mapapaiyak na talaga ako.

" Sasama ako sa inyo." agad akong nag-angat ng tingin sa sinabi nito.

"Hindi Mat. Ok lang."

"Don't make me repeat Lienne. Ako ang maghahatid sa inyo. I'll clear my schedule for 1 week."

Hindi ko na napigilan yung sarili ko ng bigla ko itong yakapin.

"Thank you Mat. Salamat talaga." hindi ko na napigilan pa yung sarili ko ng mapaiyak ako sa sobrang tuwa ko.

"Umiiyak kana naman. Ganyan ba kapag meron. Napaka iyakin mo." sabi niya habang siya na mismo yung nagpunas ng luha ko.

"Panira ka din eh. Masaya lang talaga ako." sabi ko nalang tska ulit bumalik upuan at pinagpatuloy ang pagkaen.

"Mom. Wala pa po akong gift for my classmates sa Christmas party namin."

"Sa Monday na pala yun di ba." tumango naman ito.

"Bibili tayo mamaya after kumaen. Magbihis kayong dalawa treat ko kayo sa labas." wika naman ni Mat.

"I miss playing arcade panget. Please take me there." pakiusap ng anak ko.

"Just finish your food son." agad naman itong nagsubo ng nagsubo hanggang mapuno yung bibig nito.

Napakapasaway talaga. Napailing nalang ako.

---

Kahit kailan talaga si Mat hindi manlang makatanggi sa anak niya. Minsan pag pinagsasabihan ko siya na wag ispoiled yung anak sinasabing gusto nitong bumawi for almost 5 years na hindi niya nakasama si Sean besides he deserve after all.

Pinaponood ko lang silang naglalaro ng basketball. Nagpaparamihan kung sino yung maraming maipapasok na bola. Hinayaan ko nalang silang dalawa tutal bonding time na nilang mag-ama yan.

Inabot sila ng halos isang oras sa paglalaro kaya ng lumapit si Sean saken tagaktak ang pawis nito sa noo at sa likod. Pinalitan ko narin ito ng damit.

"Baby ako rin punasan mo yung pawis ko." sabi ni Mat saken.

Binato ko naman sa mukha niya yung bimpo sapol.

"Aray naman baby. Ba't kailangan pang ibato pwede namang iabot." naiinis na sabi nito tsaka tumabi sa gawi ko.

"Pinagloloko mo na naman kasi ako. Nakakainis."

"I know baby kinikilig ka." sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ewan ko sayo. May sapak ka talaga sa ulo. Tara na anak bumili na tayo ng gift mo." yaya ko sa anak ko.

Kumapit naman ito sa kamay ko tska namin iniwan si Mat doon. Bahala siya sa buhay niya. Susunod rin naman yun.

Pumasok kami ng anak ko sa shop rito sa mall kung saan marami ang naka sale dahil nga christmas na. Nakita ko naman ang anak ko na namimili na.

Napukaw yung atensyon ko ng makita ko ang isang relo. May kamahalan nga lang pero kaya naman.

'Mukhang bagay sakanya. Stay put kalang diyan. Mabibili rin kita.' sabi ko nalang sa sarili ko.

Tinignan ko nalang si Sean na nangunguha ng mga gusto nito. Naramdaman ko ang pagyakap ng braso ni Mat sa bewang ko.

"Mom can I buy that teddy bear." turo nito sa pink stuff toy na parang baboy ang nguso.

"Can I give that to my classmate. She likes pig figure." saad pa nito.

"Ang bata mo palang Sean nanliligaw kana. You wait until you become 30." nakita ko ang pagbusanggot nito .

"Mom I'm too old for that 30." reklamo pa nito.

"But your dad is still courting me. He's 31." sabi ko naman.

"Go. You get that son." kahit kailan talaga si Mat.

"Mana ka talaga sa akin. Anak nga talaga kita. Pareho tayong gwapo." sabi pa nito. Napailing nalang talaga ako.

Matapos naming mamili ay inaya kami nitong kumaen sa isang restaurant na pag-aari ng kaibigan niya. Isang five star restaurant. Makikita mo sa mga kumakaen na yung mga mayayaman lang ang makaka afford.

Nakita ko ang paglapit ng isang gwapong lalaki kay Mat. Siya na siguro yung sinasabi niyang kaibigan niya. Lumapit sila sa table kung saan kami ngayon naka pwesto.

"Bro, this is my son. Sean." pakilala nito sa anak ko.

"You look like him. Lakas ng dugo mo ah." sabi naman nito.

"Hey, little Sean. I'm your Tito James. How are you. tanong nito.

"I'm good naman po and I'm not little. I'm a big boy na po." natawa nalang ito sa sinabi ng anak ko.

"And sino naman itong magandang binibini." hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya pero sa akin naman siya nakatingin.

"That's Lienne. The mother of my child."

"And?." tanong pa ni James.

"I'm just courting her. We're not official bro." nahiya pang sabi nito. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga nito.

"Okay. Nice to meet you. Finally, hoping ikaw na yung makakapag patino at makakapagbalik sa huwisyo ng kaibigan namin." sabi pa nito. Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Nagpaalam narin siya dahil kailangan siya sa kusina. Hindi rin naman nagtagal ay sinerve na yung pagkaen namin.

Sean silently lead our prayer and after kumaen narin kami. Sakto namang favorite ng anak ko yung nakahain. Magana na naman itong kumaen.

Habang kumakaen kami ay nakita ko ang pagtingin ni Mat sa isang babae sa labas. Maganda ang tindig nito. Matangkad. Hindi ko nga lang nakita ang mukha nito dahil sa biglang pagpasok nito sa sasakyan.

Bumalik naman kaagad ang atensyon ni Mat sa pagkain at hindi na umimik. Hanggang sa pag uwi namin sa bahay ay tahimik lang siyang umakyat sa kwarto niya.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon