Chapter 4

2.7K 92 1
                                    

Lienne

It's been a month since that night happened. Ayoko ng isipin yung gabi na'yun naiiyak lang ako tuwing naaalala ko yun. That was a worse night for me. Hindi alam ng mga kaibigan ko na may naka one night stand ako at wala naman akong balak sabihin sakanila.

Lagi ko nalang pinagdadasal sa Diyos na sana walang mabuo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko pag nangyari pa'yon.

Sunday ngayon at nakahiga ako sa kama ko. Tinatamad na naman akong bumangon. Agad akong napabalikwas ng bangon at dali daling tumakbo sa banyo dahil sa pagbaliktad ng aking sikmura. Ilang linggo ko narin nararanasan yung ganitong pakiramdam .

Kinakabahan na talaga ako sa nangyayari sa akin this past few days. Malay ko ba kung may malala na pala akong sakit sa katawan ko. Hindi ko talaga alam.
Tinawagan ko ang dalawang bruha kong kaibigan sabi ko sakanila na magsimba kami then kumain kami sa labas. Kaya naman agad akong naligo at nagbihis.

Hera is not with us because she's staying in Greece for good. Hindi pa namin alam kung kailan babalik ang loka loka.

Sabay sabay kaming nagsimba. Kahit naman magkakaiba kami ng mga buhay naglalaan din naman kami ng oras sa isa't isa. Kaagad din kaming umalis ng matapos na mag preach ng pastor.

"Geez. I want spaghetti, burger, and fries. Jollibee tayo guys." Sabi ko sa dalawa. Agad namang nanlaki ang mga mata nung dalawa kong kasama.

"Seriously Lienne ilang araw na tayong laging kumakaen diyan sa Jollibee na'yan. Pag hindi ka namin sinasamahan iiyak kang parang bata. Ano bang nangyayari sayo ?." sabi saken ni Sheen.

"Kaya nga. Tska alam mo pansin ko sayo nagiging buwaya ka na girl. More ang lafang mo ah. Nakoo kung meron ka lang lovelife mapagkakamalan ko talaga na buntis ka eh." Sabi naman sakin ni Lana

Buntis? Ako?Oh God wag naman sana.....

"Hindi ano. Sige na kasi. Gusto niyo na naman ba akong umiyak dito ?." Sabi ko sa dalawa

"K.payn let's go." Agad na sagot ni Lana.

Subalit pagpasok palang namin sa entrance ng Jollibee agad na namang bumaliktad ang sikmura ko kaya dali dali akong lumabas at naghanap ng basurahan. Agad namang dumalo sa akin ang dalawa kong kaibigan at hinagod ako sa aking likuran.

Baka may nakaen na naman akong hindi maganda kaya ganito na naman yung tiyan ko. Ilang araw narin akong ganito. Kulang nalang maisuka ko yung bituka ko tuwing inaatake ako ng ganitong pakiramdam.

Pagkatapos kong mahimasmasan agad dali dali akong pinaupo ng dalawa sa back seat ng kotse ni Lana tsaka ako inabutan ng isang bottled water.

"Alam mo Lienne matagal na akong nahihiwagaan sayo eh. Sagutin mo nga ako saan ka nagpunta nung after mong magpaaalam sa amin na pupunta ka ng bar counter. Aba'y tinatawagan ka namin nun para umuwe na pero nakapatay phone mo. Ang alam namin umuwe kana pero nakita namin yung sasakyan mo sa labas. Yung totoo saan ka nagpunta Lienne ?." mabagsik na tanong saken ni Lana

Ang tagal kong nakayuko at pinaglalaruan ang hawak kong plastic bottle. Nangako pa man din kami sa isa't-isa na walang magtatago ng lihim dahil mabubunyag rin naman sa bandang huli.

Eto narin siguro yung time para sabihin ko sakanila para kahit papaano ay gumaan naman yung pakiramdam ko kung sakali.

"Sumama sa lalaking hindi ko kilala."nakayuko parin ako. Ayokong tumingin sakanila dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

"And then?." Antay nung dalawa

"May nangyari sa amin. Tapos nagising nalang akong walang saplot tas masakit katawan ko. Tapos aalis na sana ako nun tas biglang...."

Eto na naman umiiyak na naman ako. Letcheng luha ito oh...

"Biglang?"sabay na bigkas nung dalawa.

"May nahagip akong papel sa lamesa at tske na kasama ng sulat. Ang tingin niya sa akin isa akong bayaran na babae." patuloy ko sa dalawa

"FUDGE. WHATDAHECK ! Nakoo kung alam ko lang mabubugbog ko kung sino man ang walang hiyang lalaki na yun. Mawalan sana siya ng kinabukasan." Gigil na sabi ni Lana


Pinunasan ko ang luha ko. Awang awa na talaga ako sa sarili ko.

"Tama na. Hayaan niyo na. Nangyare na eh may magagawa pa ako?wala na eh sibak na. Naisuko na ang lalawigan ng Ilocos." biro ko sa dalawa.

Niyakap nila ako at kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Yan ang gusto ko sayo eh. Napaka positive mo sa buhay." Sabi ni Lana.

"Pero Lienne dapat na talagang pumunta na tayo sa hospital para malaman iyang kondisyon mo. Mamaya iba na yan." tumango ako sa sinabi nila baka nga iba na itong nangyayari sa akin. Bahala na kung ano yung maging resulta ng test tatanggapin ko ng maluwag sa kalooban tutal naman ay kagagawan ko rin naman.

Pero umaasa parin ako na baka may nakaen lang ako na hindi naging maganda sa tiyan ko.

Sana.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon