10 years later...
(Rain's POV)
"Claraine Villandre." Tawag ng teacher namin sa pangalan ko dahil kasalukuyan syang nagchecheck ng attendance.
"Present po!"Yes, That's my name. Claraine R. Villandre. Just Rain for short. Kasalukuyan akong nag-aaral dito sa Dela Riva Academy.
Simula palang ngayon ng pasukan kaya panibagong 'introduce yourself thing' na naman ang magaganap.
"Rain, mukhang terror ang isang yan." Bulong sakin ng bestfriend kong si Aeris dahil magkatabi lang kami. Agad ko yung sinang-ayunan kaya napatango nalang ako. Sa hilatya pa nga lang ng pagmumukha ng taong nasa harapan naming lahat ay tiyak na terror nga ito.
"Aeris Xyrel Seo." Sambit muli ng teacher namin sa pangalan ng bestfriend ko matapos ang pagtawag nya sa ilan ko pang kaklase.
Walang buhay nyang itinaas ang kamay nya. Ghad! Talagang magpapamalas na naman sya ng katarayan sa unang araw ng klase. Mukhang terror at istrikto pa naman ang teacher na ito.
"Would you mind to say present Ms. Aeris Xyrel Seo?" May diin na sabi ng teacher namin na animo'y nabastos agad sa pagtaas lang ng kamay ni Aeris.
"No need, Sir!" May pagka-sarcastic niyang banggit sabay ngisi.
Talaga ngang sinusubukan nya ang teacher na ngayon ay lumapit na sa mismong upuan nya. Ghad Aeris! What are you doing!? Minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung paano nya napananatiling mapunta sa top section kasama ko. She's a bad girl. Gustong-gusto nya talagang inisin ang mga taong ayaw nya. Ngunit pagdating sa kapwa namin schoolmates ay hindi sya yung tipo ng bad girl na mang-aapi ng mga normal na estudyante. Madalas ay yung mga mahilig mambully at pasaway ang kinakalaban nya. Basta ang alam ko ay kayang kaya nyang makahabol sa mga subjects at magaling siyang makagawa ng paraan para sa grades nya. Matalino din naman ang isang yan.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...