(Rain's POV)
Agad naagaw ng emcee ang atensyon namin nang magsalita na ito sa stage.
"What a nice performance for our JXS.." masigla pero may bakas ng pag-aalangan na banggit ng emcee. "Uh.. So, how are you feeling fo--" hindi na naituloy ng emcee ang itatanong nya kay Jace dahil tumayo na ito sa pagkakaupo at walang pakundangan ng bumaba sa stage, hindi na nya pinansin pa ang emcee.
The woah-does-he-really-walkout-look was written on our faces. Napatawa na lang ng pilit ang emcee dahil sya mismo sa sarili nya alam na napahiya sya sa ginawang yun ni Jace.
May assigned seats na nasa left side ng stage para sa mga contestants. Sinundan namin ng tingin si Jace at dun sya umupo kagaya ng mga naunang contestants. Parang wala na namang nangyari, hinayaan nya na lang na matuyo ang luhang tumulo mula sa mga mata nya, wala syang pakealam sa mga masugid na nakatingin sa kanya.
Well, most of us here is always interested even in his simple actions, that's expected.
"Malulusaw na sya. Kahit gaano pa ka-cold ang yelo, tandaan mo natutunaw din sa sobrang init... ng pagkakatitig mo." sabi ni Niell habang abala pa rin ako sa pagsunod ng tingin kay Jace.
Darn it! Am I really looking on his face all this freaking time?
Sinamaan ko na lang ng tingin si Niell at inilipat ang tingin ko sa stage.
"For our next contestant! Please give a round of applause for the student of STEM-12 A, Axcel Vitalista!" agad naming sinunod ang sinabing yun ng emcee.
"Whooooo! Go A.V. We love you!!"
"Akin ka lang Axceeeel!!"
"A.V. I love you na!!"
"Hey, Niell.. I think you should prepare yourself. Diba sabi mo sunod sunod kayong tatlo? Ikaw na ang next after ni Axcel!" paalala ko kay Niell but he just pouted like a kid again.
"No sugarplum, no performance of the awesome." walang gana nyang sabi at napa-iling na lang ako.
Hays, ano kayang pagkakalat ang gagawin nya mamaya?? The emcee will definitely call his name later on because he's the next contestant to perform. Tapos anong sasabihin nya?? Sasabihin din kaya nyang 'No sugarplum, no performance of the awesome'?? Agh! that'll be ridiculous. Katabi ko pa naman sya.
Napapalakpak na lang din ako nang lumabas na si Axcel mula sa backstage. Unlike noong audition na may dala syang gitara, ngayon ay wala syang hawak na kahit ano. Ano naman kayang ipeperform nya?
"Niell, anong ipeperform nya? Will he sing? Dance? What?" sinubukan kong hinaan ang boses sa pagtatanong.
"Panuorin mo na lang.. I swear you'll find him impressive."
I winced when I heard his answer. Muli na naman akong napatingin sa left side ng stage kung nasaan si Jace.
I can't help it. I can't understand my feelings sometimes. All I know is I am always having a hard time to avoid staring at him. Kahit saang anggulo, kahit anong oras at sa lahat ng pagkakataon pakiramdam ko hindi ako magsasawang titigan sya.
How I hope that it's not Angel but it's me that he's giving an attention.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...