Chapter 11: Misunderstanding

435 26 11
                                    

(Rain's POV)

"Hoy!" Nagulat ako sa boses ni Lian na nasa gilid ko lang pala. Napag-utusan kasi akong pumunta sa faculty at ngayon ay nadaanan ko sjya.

"B-bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Oops! Sorry.." Tatawa-tawang sabi niya nang sadyaing itapon sakin ang orange juice na iniinom niya.

"Ano na naman ba?!"

"Ohh.. Galit ka na nyan? Masyado ka talagang mahinhin, noh?" Ngingisi-ngisi pa siya.

"Please. Wala naman akong ginagawa sayo eh!" Nilagpasan ko na siya pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Tama si Liezl." Napahinto ako sa paglakad. "Malandi ka talaga." Napapikit ako ng mariin habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Kitang kita ng mga mata namin noong makalawa kung paano ka niya tingnan. Or should I say, titigan." Ayoko na sanang pakinggan pa siya. Gusto ko na siyang layasan pero hindi ko pa magawang maglakad.

"Hindi ako malandi." Wag niyo akong igaya sa inyo.

"Ohh.. Really? Magpinsan pa talaga ang tinarget mo." Bigla akong napalingon sa kaniya. Naiinis na ako.

"Ano?! Mag-pinsan? Si Axcel at Jace ba ang tinutukoy mo?!" Inis na tanong ko.

"You really know it right." Ngumisi siya.

"Para sabihin ko sa'yo wala akong nilala---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may napadaang teacher.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon