Chapter 39: Audition

274 20 2
                                    

(Rain's POV)

"Ano namang gagawin natin dito?" tanong ko kay Aeris dahil hinila nya ko papunta dito sa Building 4 ng campus. Napansin ko naman ang ilang estudyanteng papasok ngayon sa Building 4, ang iba ay lumalabas na para bang nalugi.

Wait, gusto ba nyang mag-audition ako para sa talent search??

"Oo! Sasali ka, okay?" sabi nya na ikinagulat ko. Woah, kailan pa nya natutunang magbasa ng isip?

"P-pano mo nalamang---"

"Malamang. Kanina ka pa nakaturo sa sarili mo eh. Kaya malamang na gusto mong itanong kung gusto kong sumali ka o sasali ka. Okay na?" sabi nya sabay irap. Ngayon ko lang narealize na nakaturo nga ako sa sarili ko. Agh stupid Rain!

Tinalikuran na nya ko at nag-umpisa nang maglakad papasok sa Building 4. Hindi ako nakasunod sa kanya kaagad dahil napatulala pa ko sa building na may apat na palapag.

Dito gagawin yung audition. Halos kapareho lang din to ng sinalihan kong contest dati para sa Campus Princess title kung saan nakilala ako ng marami sa mga schoolmates ko. Aghh, sasali kaya ako dito? Makakabuti pa ba kung sasali ako?

"Rain! What are you staring for?! Tara na dito!" sigaw nya sakin habang nasa tapat na sya ng pinto ng building. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya.

"Aeris! Aeris.." tawag ko sa kanya habang naglalakad pa rin sya. "Hey, stop first!" reklamo ko at bigla naman syang huminto at humarap sakin kaya muntik na kaming magkabangga.

"Bakit??"

"Ano.. A-ayoko.. Hindi ako sasali." sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay nya. Ang taray talaga.

"Bakit naman? Hey, look. For sure makakapasok ka para sa contest. Dati nga ang dali mo lang natanggap eh. Pano pa kaya ngayon?" she encouraged.

"Dati yun Aeris. Junior highschool pa lang tayo nun. Iba na ngayon, hindi ko na kaya." paliwanag ko kahit ang pinakadahilan talaga ay ayaw kong sumali. "Ayoko dahil sira na ang pangalan ko sa mga schoolmates namin. Hindi na ako yung babaeng tinatawag nilang Campus Princess, yung maganda at mabait na babae, dahil para sa kanila ako na ngayon si Campus Murderer, yung babaeng tumulak sa isang Angeleiry Ahn para mapatay 'to. Yun na ako para sa kanila. At wala man lang akong maisip na paraan para linisin ang pangalan ko."

Napabuntong hininga sya "Ito na nga eh. Ito na yung magiging paraan para makalimutan nila yung kasinungalingang yun. Kapag nanalo ka, may posibilidad na yung bago mong title na lang ang maalala nila kapag nakikita ka at hindi na yung ginawa mo kay Angel na hindi naman totoo." sabi nya sakin. "Ito lang kasi yung paraang naiisip ko, Rain. Kasi si Liezl mala-professional liar yun. Meron pa syang ebidensyang nalalaman kaya tuluyan ka nyang nasira sa kanila. Kaya sa tingin ko, makakatulong to kapag nanalo ka. Rain, I believe in you. I know you can change everything with just a one snap." napakurap ako sa mga sinabi nya. "Figuratively.." over naman kasi kung literal eh. One snap mababago na lahat? Figuratively only. Pero sana nga literal na mababago na ang lahat sa isang pitik lang kaya lang nasa reality tayo at hindi sa fantasy.

Napangiti ako sa kanya. She's really my bestfriend. So good to me. Pero buo na yung desisyon ko. "Thank you Aeris. Pero hindi naman tayo sigurado eh. Posible pa ring makalimutan nila yung bagay na ibinintang sakin. They used to believe in that and it's now hard to change their minds. I still have my temper, Aeris. I can still ignore their whisperings, gossips and rumors about me. I can still manage. The thing is.. I don't like to hurt myself while hearing their boos while I'm on stage assuming that I can change everything with just a one snap." paliwanag ko sa kanya habang nakatingin lang sa sahig.

Natahimik kaming dalawa habang rinig na rinig namin ang music na gamit ng estudyanteng kasalukuyang nagpeperform sa mini stage. Ilang saglit lang ay nagsalita din sya.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon