Chapter 06: Pain

470 38 11
                                    

(Rain's POV)

"Hindi mo na dapat siya inaway tungkol don." Matabang ang tono ng boses ko. Dalawang araw na akong walang gana sa pagpasok.

"Dapat lang sa kaniya yon! He's so rude. Sayo niya pa talaga ginawa yon!" Sunod-sunod niyang sabi. "Hindi tuloy kita makausap ng matino. Nung makalawa ka pa." Baling niya sa akin.

Agad kong pinigil ang luha na gusto na namang kumawala sa mata ko. Hindi ko lang talaga matanggap na may gagawa sa akin non. Siya lang talaga. Siya lang ang nang-reject sakin.

Gusto ko lang siyang maka-shakehands dahil ipinakilala ako sa kaniya. Ano bang masama kung tanggapin niya yung kamay ko. Wala naman akong nakakahawang sakit para pandirihan niya.

Ang dami-dami pa man ding nakakita ng pangbabalewala niya dahil halos lahat ay nasa table namin ang atensiyon. Alright.

Napabuntong hininga ako habang sinusuklay ang buhok ko. Kitang-kita ko ang nag-aalangang paninitig ni Aeris sakin sa salamin

"Fine. Ako na ang magso-sorry para sa ginawa niya." Hirap na hirap ang tono niya. Hindi siya sanay ng nagsosorry. C'mon, Aeris and her pride and ego. Alam kong hindi madali sa kaniya ang mag-apologize lalo na't sa kasalanan ng iba.

Agad ko siyang binalingan ng tingin. "You don't have to apologize. Okay naman na yun sakin." Hindi ako sigurado sa sinabi ko.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon