Chapter 22: Speechless

337 28 19
                                    

This chapter is for you PrincessImnida. Thank you for supporting this story. Hope you'll stay till  the end.


(Rain's POV)

I tried to text the unregistered number nang makauwi ako kahapon pero hindi naman ito nag-reply.

Sana lang ay hindi ito galit dahil sa hindi ko pagpunta kahapon.

Paano ba naman kasi, talagang binantayan ako ni Axcel na hindi makalabas ng classroom hangga't hindi dumadating ang subject teacher namin. For sure ay na-late iyon kahapon sa first subject nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya. He really acts like my dad. He's being overprotective.

By the way, nandito ako ngayon sa cafeteria at mukhang baliw na umaasang pumunta dito kung sinuman ang taong nag-text sakin. Bahala na kung hindi siya pumunta ngayon. Nag-text kasi ako sa kaniya kahapon na ngayon ako maghihintay sa kaniya, pero hindi siya nag-reply.

7:03 AM pa lang naman ngayon kaya may oras pa ako para maghintay sa kaniya.

Pero mukhang nagkabaliktad naman ngayon ang sitwasyon.

Kung kahapon, siya ang nagmukhang tanga kakahintay, ngayon mukhang ako naman.

Ilang minuto na akong naghihintay at malapit na ring magsimula ang klase pero wala pa siya.

Madami nang estudyante dito sa loob ng cafeteria kaya napagpasiyahan kong lumabas na at dumiretso sa klase.

Habang tinatahak ang daan papuntang classroom ay nginingitian ako ng ilang nakakasalubong ko. Maybe they know me, the girl who won the title Campus Princess.

The girl that they said as oh-so-pretty-lady but actually a weak one.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay natagpuan ng mata ko ang masamang tingin ni Liezl, kasama ang dalawa pang babaeng nakasama niya noong tinorture nila ako. The word torture suddenly gives me a bad mood.

I always remember how helpless I am when I'm thinking about what they did to me.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang makapasok sa classroom. Finally, wala ng Liezl na titingin sakin ng masama dito. Plus, nakita kong nakaupo na sa seat si Aeris na kapatid ng cru---.. Err, ni Jace, I mean.

I feel so embarrased about myself thought. Kung meron lang sigurong nakabasa ng iniisip ko ay baka nangamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa hiya.

"Good morning!" masigla kong bati sa kaniya nang makaupo ako.

Tumingin naman siya sakin at tumango, "Likewise."

Awwe, ang tipid naman nito.

"Kamusta si Axcel?" I open up a topic. Gusto ko lang ma-sure kung okay na talaga si Axcel dahil sa pagkawala ni Sion. Alam ko kasing mas malapit pa rin sila Aeris sa kaniya at mas kilala nila ito kaya nagtanong pa rin ako.

She just gave me a questioning look.

"Di'ba dapat ako ang magtatanong nyan, mukhang mas close na nga kayong dalawa kaysa sakin eh." sabi niya.

Ehh? Ano na naman ba.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" bahagya akong tumawa "Mas kilala mo pa rin siya kaysa sakin. And isa pa, hindi naman kami ganun ka-close ah?"

Ngumisi siya. "Hindi nga ba?" tumawa pa siya.

"Agh! Aeris?? Inaasar mo ba ko?"

"Oh, kailan kita inasar? I'm just telling what I see." aniya, tumatawa pa rin.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon