Chapter 46: Kiss Trick

298 19 0
                                    

(Third Person's POV)

Week passed after the Dela Riva Academy's Student Talent Search, the classes continued the usual way.

Madami nga lang sa mga estudyante ang hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on sa resulta ng contest. The top three most favorite contestants didn't make it the way they were expected. Sina Axcel, Jace at Niell na pinakaaabangan ng halos lahat ng babaeng estudyante ay hindi man lang nakakuha ng kahit anong place sa awarding.

"Hindi nila deserve 'to girls!" busy'ng busy ang tatlong magkakaibigan sa pagtingin sa kani-kanilang cellphone.

"Yeah! Like duh! Mas deserve nila Jace at Niell ang place na nakuha nung mga nanalo." inis na sabi ni Marinelle, isa sa tatlo.

"Same as AV! Deserve din nyang makakuha ng place sa awarding! Ang galing kaya nya. We all heard him... Singing... That song... Without any freaking music! My God! That was so unique, right Eziel and Jannmae?!" giit pa ng isa saka ininom ang juice na nasa harap nito.

"You're correct, Lorraine! Arghh! Nakakagigil talaga! Last week pa 'to but look! Ang hirap mag-move on dahil hindi katanggap-tanggap!"

"Gosh! Girls ayan na sila! Magkakasama uli silang tatlo!!" tili nung Lorraine kaya napatingin na rin ang iba pang katabi nila.

Sino pa nga ba ang tatlong head turner ng Dela Riva kundi silang tatlo lang.

"Bwisit! Bakit ba parang laging big deal sa kanila kapag nakikita tayo?!" mahinang reklamo ni Axcel na mukhang iritado na ngayon. Hinarap sya ni Niell kaya napahinto silang tatlo sa paglalakad.

"Aww? Don't be that killjoy, Ax! Just enjoy their attentions. Tanda lang yan na ang gwapo nating tatlo, ang gwapo mo at higit sa lahat ako ang pinakagwapo!" confident na sabi ni Niell at nagpataas taas pa ang kilay.

"Shut that mouth of yours." agad napatingin ang dalawa nang magsalita si Jace. Diretso lang ang tingin nito.

"Bwahahahaha! Should I record that? It's 7:12 in the morning when you speak!" ani Niell na tila manghang-mangha pang nakatingin sa relo nya. Agad naman syang binatukan ni Axcel dahil dun.

"Tara na nga, ang dami dami pang sinasabi eh!" sambit ni Axcel at nagsimula na ulit silang maglakad.

Kagaya ng inaasahan, kilig na kilig na naman ang mga schoolmates nilang babae dahil sa presensya nila. Instant artista sa Dela Riva wika nga ng iba. So called fangirls.

"Sa tingin mo, deserve talaga nating maging plain contestant lang? Crap! Hindi man lang nanalo kahit isa satin." Niell pouted habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.

"Ikaw naman kasi e. Ako, wala akong pakealam kahit nanalo ako o hindi. Ikaw kasi panay pa rin ang reklamo mo dyan eh paano ka mananalo kung pinaghantay mo sila ng matagal para sa performance mo tapos hindi mo din pala gagawin." sabi sa kanya ni Axcel.

"Tchh!! Lakas ng loob mo magsabi nyan. Ikaw din kaya! Pinaghantay mo din sila ng matagal bago ka magsimula tapos hindi mo din naman tatapusin yung kanta mo." ganti naman ni Niell. "Hindi naman kasi singing ang pinractice, pero kumanta pa din. What happened, dude? Naging moody ka yata nung mga panahong yun. Hahaha!" pang-aasar pa ni Niell.

"Tumahimik ka nga. Mas malala yung ginawa mo. Bakit ba kasi kahit konti wala ka man lang ipinakita dun sa stage na yun?" tanong ni Axcel.

"Tss. Hindi na ko magmamatigas pang hindi aminin." sandaling huminto si Niell at tiningnan naman sya ng dalawa. "Wala kasi dun si Aeris."

Napabuntong hininga si Axcel sa sagot na yun ni Niell.

"Nababaliw ka na talaga." sambit ni Axcel at napakamot sa noo nya.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon