Chapter 50: As The Raindrops Fall

370 17 2
                                    

(Rain's POV)

"Dad, can we talk?" I asked daddy while he's sipping the coffee I prepared for him.

Weeks passed mula nang nag-out of town sya kasama si Tita Ivy at Jayvien at ngayon ay kakauwi lang nila pero wala man lang silang kahit anong sinasabi o ikinukwento sakin hanggang ngayon. Yes, nung una medyo masama ang loob ko dahil hindi man lang nila ako ininform. Pero mas nakakainis pala yung ganto na parang binabalewala na lang nila ko, ano pa bang silbi ko dito? Eh mukhang mas sasaya pa sila pag wala ako.

"Mamaya na lang anak. I have to answer this call." aniya nang mag-ring ang phone nya. "Yes, hello?"

Inis na tumalikod ako after nun. Hays, hindi ko na talaga gusto 'tong nangyayari!

Pumanhik ako papuntang kwarto, malakas na tinulak ang pinto at pabagsak na humilata sa malambot kong kama.

"Yow, Rainy!" napatili ako sa panggugulat na yun ni Jayvien na nagtago pala sa ilalim ng kama ko.

"Ano na naman?!"

"Awwe.. Hindi mo man lang ba 'ko namiss?" may papout-pout pa syang nalalaman kaya napairap na lang ako.

"Shut your mouth off. Kalalaki mong tao ang plastik mo!" pamamrangka ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Naiinis akong tingnan ang mukha nya.

"Tss. I'm not plastic. Sa 'ting dalawa ikaw lang ang nag-iisip nun, kaya malamang ikaw lang din ang plastic sa 'tin. At pwede ba, maging mabait ka na sakin at tanggapin mo na lang ako lalo't kasal na ang dad mo at ang mom ko." saad nya at agad kong tinanggal ang unan na nakadagan sa mukha ko.

"What did you just say?!" pasigaw kong tanong.

"Nawala lang kami ng ilang linggo nabingi ka na. I said your dad and my mom are married already!" ngiting-ngiti nyang sabi. "Nasurprise ka ba? Well, surprise!"

Agad nagsalubong ang kilay ko sa pang-iinis nya. Ha! Kasal na pala si dad at ang bruhilda kong tita.

Ngayon ko lang naalala yung date na nakalagay sa invitation, at tapos na yun. Hindi ko na namalayan. Well, wala naman akong pakealam at mukhang wala din naman silang pakealam kung hindi ako nagpunta.

Akala ko ba naman simpleng out of town lang. Yun pala kasabay din nun ang kasal at official na pagpasok ng mga linta sa pamilya namin. Ugh! Heto na naman tuloy ako.

"Ano? Iiyak ka na ba nyan? Hindi mo ba tanggap na may magiging kahati ka na sa mga mana mo? Alam mo, Rainy.. Hindi maganda ang masyadong selfish. Dapat nga nagiging mapagbigay ka eh. Kung gusto mo wag na lang tayong maghati, ibigay mo na lang din sakin kung ano yung ma---"

Ang kapal ng mukha nya!

"Shut up! That's not what I'm thinking! Look, buhay pa si daddy pero yang mana na talaga ang iniisip mo?! Alam mo, napaghahalata ka eh! Siguro gusto mo nang mawala ang dad ko para masalo ang yaman nya! O baka naman.. Hindi lang ikaw ang naghahangad nun? Baka pati si Tita! Malamang pinakasalan nya lang si daddy dahil sa pera!" hindi ko na mapigilang sabihin ang mga hinala ko.

Para na 'kong sasabog sa inis. Matapos kong sabihin yun ay ngumisi sya na para bang patunay na tama lahat ng sinabi ko. He gave me four slow claps bago tuluyang nagsalita.

"Tama.. Tama nga ang sinasabi nila. Matalino nga talaga ang isang Claraine Ross Villandre. Alam na alam mo noh?" saad nya at nagbigay ng nakakalokong ngiti.

Darn! I hate him! I hate them! Sinasabi ko na nga ba eh!

"I will tell daddy about this!"

"As if namang maniniwala sya. Alam na alam nun kung gaano mo kami kaayaw kaya siguradong hindi yun maniniwala at iisiping dala lang ng pagkaayaw mo samin ang lahat ng sasabihin mo." he said na parang alam na alam na ang mangyayari. "At alam mo naman si mom di'ba? Kung gaano sya kagaling magpaikot ng clients nya, ganun din sya kagaling magpaikot ng ulo ng dad mo. Eh kasi naman, isa rin kasing malaking uto-uto yang dad mo eh." pang-iinsulto nya kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon