Chapter 41: Delayed Announcement

280 22 7
                                    

(Rain's POV)

Hindi ako mapakali habang tinitingnan ang emcee sa mini stage.

Matapos ang lahat ng performance ng mga nag-audition para sa araw na'to, ngayon ay oras na para iannounce nya ang mga makakapasok para sa contest para sa mga nag-audition ngayong araw.

Excited ang lahat ng nanunuod. Kaming lahat na nandito ngayon sa first floor mg Building 4 ay halos ayaw gumawa ng ingay hangga't maaari.

My goodness! Kahit sigurado na ako na makakapasok si Niell, Axcel, at Jace ay gustong-gusto ko pa ring marinig mismo sa emcee na banggitin ang mga pangalan nila.

"First of all. I would like to congratulate all of the students who auditioned for this day. Win or lose, for the judges, you're all the best. Your participation are thr most important. Again, thank you." panimula ng emcee.

Aghh.. Stop for that chuchus. Can he just announce the today's winners?

"So here we go." the emcee said as he clears his throat. I'm so excited.. "We have five winners for this audition day. I just want to clear that this is just the audition day three. This is not the actual contest yet." paliwanag pa nya.

"Enough for that extras! Just announce the winners!" walang pakundangan na sigaw ng isa sa mga manunuod kaya napatingin sa kanya ang iba. Meron pa palang mas excited sakin. Buti na lang at binalewala na lang ng emcee ang kabastusan nyang yun.

"The first winner to enter the DRASTS contest is..." bahagya syang huminto bago sabihin ang pangalan. Uhh! Paintense pa eh. "Frances Constellar of ABM-12 A!" nagpalakpakan kami nang banggitin ang pangalan ng isa sa mga kaklase ko, naghiyawan naman ang ilan sa mga supporters nya.

Umakyat sya sa mini stage mula sa isang corner kung saan nakatayo ang mga nag-audition. Nag-bow siya habang ngiting-ngiti.

Siya yung kumanta kanina ng 'Ngiti' by Ronnie Liang. No doubt, mahusay din naman kasi syang kumanta.

"The second one to enter the contest is Recille Alejandra of General Academic Strand 12-B!" nagtilian ang ilang estudyante na malamang mga kaklase nya. Kagaya ni Frances ay umakyat din si Recille sa mini stage nang ganun din ang reaksyon.

"The third one is..." muling banggit ng emcee. Woah, last three na. Sigurado akong sina Niell, Axcel at Jace na ang sunod-sunod na tatawagin. "None other than Ziniell Rion Dela Riva of ABM-12 A!" halos ang lahat ay nagtilian nang sabihin ng emcee ang pangalan ni Niell.

"Whooooo!! Ziniell!! We love you!!" sigaw ng nangibabaw na boses.

Niell showed his killer smile at mukhang tuwang-tuwa habang umaakyat sa mini stage. Agad syang kumaway at nag-flying kiss sabay kindat pa nang makapunta na sa gitna. Lumakas pa tuloy lalo ang tilian.

Psh, his playboy moves is showing off again.

I knew it! Silang tatlo na nga talaga!

"Save your throats for the next winner Rivanians! Do shut your ears because of the expected loud screams." pabirong paalala ng emcee kaya mas lalong naexcite ang lahat. Ang iba ay mukhang alam na kung sino ang next na tatawagin. Ghad! Siya na nga kaya?? "Again, from the ABM-12 A, Jace Xyres Seo!"

"JXS!!!!!"

"SABI NA NGA BA EH!! WAAAAHHH!!"

"AKIN KA NA LANG JXS!! WAAAAHHH!!"

Mukhang tama nga ang paalala ng emcee dahil agad akong napatakip ng tenga pagkabanggit na pagkabanggit pa lang ng pangalan nya. Ibang klase talaga sya..

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon