(Rain's POV)
Lunes na lunes ay pansin ko ang atensyon ng ibang estudyante sa akin habang naglalakad ako sa corridor. Ano bang problema?
Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makapasok ako sa classroom ay wala pa doon si Aeris. Inisip ko na late lang siguro iyon ngayon kaya dumiretso na ako sa aking upuan.
"May nagpapabigay." Sambit sa akin ng isa kong kaklase sabay abot ng dalawang piraso ng rose at chocolate. May ganito na naman? Wala pang isang buwan ng pasukan ah.
Madalas akong makatanggap ng mga ganito kahit noong mga nakaraang school years. Mukhang napaaga ang pagtanggap ko sa mga ganito ngayon. Madalas ay hindi ko naman alam kung kanino nanggagaling dahil ipinapabigay lang. Ngunit may ilang personal din kung ibigay sa akin ang mga ganito.
"Aga ah." Ani Aeris sabay pasok din ng teacher namin sa classroom.
"Oo nga eh. Sino naman kaya ang nagbigay?" Mahina kong sambit ngunit nagkibit balikat na siya dahil nagsimula nang bumati ang teacher namin.
Agad ko na ring itinago sa bag ko ang natanggap kong chocolate samantalang ang bulaklak naman ay pinanatili ko lang sa desk para hindi masira. Ilalagay ko na lang siguro ito mamaya sa locker ko.
Lectures at discussion lang ang naganap sa buong period. Nang vacant time namin ay lumabas kami ni Aeris para magpunta sa locker room.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...