Chapter 07: Curiosity

456 31 6
                                    

(Rain's POV)

Nang idilat ko ang mga mata ko ay puro puti lang ang nakita ko. Nasa isang kuwarto ako. Ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko.

"Rain.." Dinig ko ang boses ni Aeris.

"Aeris?" Umpisa ko. "Paano ako napunta dito?" Agad na naitanong ko.

"Shit! Yan pa ba ang importante sayo?! Tell me, sinong gumawa sayo nyan?!" Inis na inis niyang sabi sa akin.

"Ayoko munang pag-usapan ang tungkol dyan, Ae." Sambit ko at napabuntong-hininga siya.

"Fine. Nandito kanina si Tito. Nagdinner lang siya saglit." Sabi niya. "Obviously, nandito ka sa ospital."

"Okay. I want to rest. I badly need it." Sambit ko.

"I see. Pero hindi kita pagpapahingahin hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang gumawa nyan sayo." Nagpapaka-bossy na naman siya. "Si Liezl ba?" Agad niyang naidugtong.

"You got it right." Napabuntong hininga ako.

"I knew it." Agad nagsalubong ang kilay niya. "Bibisita dito sila Axcel." Agad akong nagtaka sa sinabi niya.

"Sila? Sinong kasama?" Tanong ko.

"Maybe a gang mate?" Hindi siya sigurado sa naisagot.

Bigla ko namang naalala yung babaeng tumulong sakin. A girl with angelic voice. Sino kaya siya? Gusto kong personal na magpasalamat sa kaniya. Pero paano ko yun magagawa kung hindi ko siya kilala?

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon