Chapter 27: Blame

309 23 2
                                    

(Rain's POV)

"Kaya ko nang mag-isa.." sambit ko at dahan-dahang inalis ang magkabilang braso mula sa pagkakahawak ni Axcel at Aeris.

"Are you sure?" tanong ni Axcel at tumango lamang ako.

Inalis ko ang pagkakahawak nila sakin dahil may nakita akong ID. Wala itong lace kaya malamang na hindi sinasadyang maihulog ito ng may-ari.

"Kanino yan?" tanong ni Niell nang pulutin ko ang ID.

The owner of this ID is a girl. Maputi, mahaba ang buhok, she has an angelic face that suits her name.

She's Angel. It's definitely her.

Name: Angeleiry Ahn
Grade and Section: HUMMS 12-A

Iyon ang nakalagay sa ID.

"Dun yan sa babae kanina, diba?" sabi ni Axcel nang makita ito. "Ahn? Magkaano-ano sila ni Liezl?" tanong niya pa.

"They're sisters." sambit ko at natigilan naman sila.

"May kapatid pala dito ang warfreak na yun?" sabi ni Niell.

"I knew it!" Aeris exclaimed.

Agad naman kaming napatingin sa kaniya.

"Knew what?"

(Aeris' POV)

Nakatingin sila sa aking tatlo habang naghihintay ng sagot ko.

Angeleiry Ahn pala ang pangalan mo..

"That Angel is the one who brought you to the hospital, Rain. Remember? When Liezl almost kill you? Then someone came for help, that someone is Angel." paliwanag ko.

I can still remember that one moment when I'm on the restroom.

Flashback

Nang matapos kaming kumain ni Rain ay iniwan ko muna siya kay Axcel. Kailangan muna namin siyang bantayan dahil baka balikan na naman siya ng pesteng Liezl na yun. Nagpaalam muna ako para magpunta sa washroom.

"Pwede ba! Sa susunod wag ka nang makialam sakin!" Boses iyon ni Liezl kaya nagtago muna ako sa isang sulok.

"Lagi kitang pakikialaman kung ganon ang gagawin mo! Kung nahuli pa ako ng dating baka napatay mo na yung babae!" Sagot ng isa pang boses. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Rain ang tinutukoy niya. Kaboses niya rin yung nakausap ko sa phone.

"Ayokong madamay ka pa dito! Pakialamera kang babae ka! Wag na wag kang lalapit sa babaeng yun ha!" Galit na saway ni Liezl.

"Gagraduate na tayo. Ganyan ka pa rin! I can't believe you!"

"Girls come on!" Nakita ko pa ang paglabas ni Liezl kasama ang dalawang babae. Nang makalayo sila ay agad akong pumasok sa washroom. Inaasahan kong makikita ko ang mukha nung babae pero may narinig lang akong umiiyak sa isang cubicle. Siya yung nasa loob. Kami na lang din namang dalawa ang nandito sa washroom.

Tinitigan ko na lang muna ang sarili ko sa salamin. Hinihintay ko siyang lumabas. Ang tagal niyang umiyak. Nakakainis.

Nang sa wakas ay lumabas siya ay nakatakip naman ng panyo ang mukha niya. Humihikbi pa rin. Pilit ko siyang tinitingnan sa salamin habang papalabas siya pero hindi naman niya tinatanggal ang panyo. F*ck! Hindi ko makita!

Just a commoner. Mahaba ang buhok at maputi. Kaya pala hindi siya pamilyar sakin.

End of Flashback

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon