Chapter 49: Past

316 17 0
                                    

(Rain's POV)

Kabado ako nang makapasok sa guidance office. Lahat sila nasa sakin ang tingin kaya napalunok na lang ako.

Nandito si Axcel, Angel, pati si Liezl katabi yung dalawa nyang alipores na umiiyak ngayon. Pati yung babaeng nagpakita ng video para mas maidiin akong itinulak ko si Angel nandito rin. Hindi nawala yung pag-aalala sakin nang makita kong may pasa sa mukha si Jace at may sugat din sa gilid ng labi nya.

Inis nyang inalis ang tingin sakin nang napansing nag-aalala ako para sa kanya.

"Siguro naman kumpleto na kayo ngayon dito mga bata kayo! I need to stay calm pero talagang nanggigigil ako sa inyo. Tatapusin natin dito lahat, maliwanag ba?!" inis na sabi ng guidance counselor samin.

Sunod na nagsidatingan ang kanya-kanya naming advisers. Agh! Hindi ko akalain na magiging suki ako ng guidance office ngayong huling taon ko na sa highschool.

Mahaba-habang sermon at usapan ang nangyari dahil sa naging away nila Axcel at Jace. Hanggang sa makarating sa issue namin nila Angel ang usapan.

Hindi ko inakalang gagawin ni Angel yung pag-amin kanina bago pa kami mapunta dito sa guidance office. Kitang-kita at rinig na rinig ko kung paano nyang sinabi na isa lang malaking kasinungalingan yung ibinintang nya sakin sa harap ng maraming estudyante.

Hindi lang talaga mawala sa isip ko yung dahilan kung bakit sya nagsinungaling tapos bigla bigla na lang nyang babawiin at aakuing kasalanan nya ang lahat. Hindi ko na alam kung mabuti sya o nagkukunwari na naman. Naguguluhan na'ko.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Liezl habang nakatingin sakin. Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagbabago. Teka, hindi kaya sya ang dahilan kung bakit----

"Wala po talagang kasalanan si Claraine. Sorry po.. Sorry kung pinagbintangan ko sya na itinulak nya ko noon." umiiyak na sabi ni Angel at bigla namang tumayo si Liezl.

"Ano ka ba Angel?! Wag mong sabihing magpapaapekto ka sa pananakot sa'yo ng Claraine na yan?! Ano ha?! Inutusan ka ba nyang----" depensa ni Liezl pero agad nang pinutol ni Angel ang sinasabi nyang kasinungalingan.

"Unnie! Tama na, okay?! Itigil mo na 'to! Itigil na natin 'tong kasinungalingan na 'to! Ikaw naman talaga ang dahilan nito e. Kung hindi mo ko pinilit na magsinungaling para mapagbintangan si Claraine, hindi tayo aabot sa ganito.." mas lalo syang napaiyak nang sabihin yun sa kapatid nya.

Natigilan kaming lahat dahil sa narinig namin. So, si Liezl pala ang dahilan ng lahat ng 'to? How dare is she..

Lahat talaga gagawin nya para lang sirain ako. Ganun pala talaga sya kainsecure. I hate her so freaking much!

"Is that true Ms. Liezl??" hindi maalis ang inis sa tono ng guidance counselor namin. Dahil maging sya ay napaniwala sa kasinungalingang 'to noon. "How about the video? Noong tinulak ni Claraine si Angel??"

"M-Ma'am.." agad nakisingit sa usapan yung babaeng schoolmate namin na nagpakita ng video sa guidance counselor namin noon. "S-sorry po.. Ang totoo po nyan, ano... Opo! Hindi talaga itinulak ni Claraine si Angel dun sa rooftop. Kinukuhanan ko po talaga ng video nun si Claraine para ibigay sa kuya ko. N-nakita ko po lahat, Ma'am! Nagmukha lang talagang itinulak nya si Angel dahil dun sa pwesto kung saan ko sila kinukuhanan ng video.. S-sorry po.. Sorry Ma'am kung nagsinungaling ako.." kabadong paliwanag nung babae.

"At bakit ka naman nadamay dito?? Hindi naman kayo magkakakilala, tama?"

"Ano po..." napatingin sya doon sa dalawang alipores ni Liezl. "Sakto po kasing paakyat sila nun sa rooftop."

"Sino?"

"Silang dalawa po." turo nya doon sa dalawang katabi ni Liezl.

"Ms. Alyssa and Ms. Marianne??"

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon