Chapter 29: Accused

287 24 6
                                    

(Rain's POV)

Ilang minuto lang pagkalabas ni Sir Velariz ay pumasok na ulit si Aeris habang nakasunod lang sa likod si Niell.

As expected, Aeris look so pissed while Niell is like.... disappointed?

"Hey, bakit parang nalugi yung kasama mo?" agad kong naitanong nang nasa seat na si Aeris.

"I don't know?" aniya at nagkibit-balikat.

Eh? Sila ang magkasama tapos hindi niya alam?

"Don't mind him." sabi niya at sakto namang pumasok na ang Science Teacher namin.

Mamaya ko na nga lang siya ulit tatanungin.

Pagkatapos ng discussion ay pinagawa kami ng activity. Madali lang naman yun kaya mabilis lang din naming natapos.

Isang subject na lang at break time na. Natapos na ang science subject namin pero ang tagal na naming naghihintay ay hindi pa rin dumadating ang teacher para sa next subject.

"Uh, boring.." napabuntong hininga si Aeris. "Magti-thirty minutes na siyang late, sure akong hindi na dadating yun." aniya habang nakatingin sa relo.

"Saan kayo pumunta?" tanong ko at napatingin naman siya sakin.

"What are you saying? Hindi kami magkasama." sagot niya sabay iwas ng tingin.

Oh, I saw that.

"Bakit parang oo?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "Ayiee.. Magkasama kayo kanina noh? Saan kayo pumunta ha?" pang-aasar ko pa.

"Pssh. Hindi kami magkasama nun noh. For sure he spend time with his oh-so-called-fangirls." sambit niya sabay irap. Natahimik naman ako sandali. "Satisfied?" mataray niyang tanong na hindi ko na lang pinansin.

Okay fine. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Sayang lang talaga at hindi pala sila nagkasama.

Nakakasiguro na kasi ako na seryoso talaga si Niell kay Aeris. His sincerity whenever he talks to me about Aeris and his limitless efforts to convince Aeris to be with him. I think that's quite enough to prove that he's really serious.

Uhh.. Wait? About his so-called-fangirls, hindi ko pa nga pala naoobserbahan.

Abala pa ako sa pag-iisip nang may isang estudyanteng nag-excuse.

"Ipinapatawag si Ms. Claraine. Pumunta daw sa guidance office." aniya at agad ding umalis. Muling umingay ang klase at ipinagsawalang bahala ang sinabi ng dumating kanina.

Well, ako lang naman ang ipinatawag.

"Guidance office? Again?" Aeris asked with a questioning look saka ko lang napagtanto na sa guidance office na naman ako pinapapunta.

Oo nga noh. Ano na naman kaya ang kailangan ngayon?

Kung tungkol yun sa nangyari kay Angel, sa pagkakaalam ko ay tapos na ang isyung yun. So bakit ipinapatawag na naman ako?

"Hindi ko alam.." sambit ko na lang sabay tayo.

"Samahan na kita." tatayo na din sana siya pero pinigilan ko.

"Wag na. Kaya ko namang mag-isa eh." sabi ko sa kaniya.

"Wait, may itinatago ka ba sakin? Ang alam ko tapos na kayong kausapin about sa nangyari kay Angel. Ang sabi mo pa nga, ayaw ng school na kumalat pa yung balitang yun kaya inayos na nila agad yung issue, right? So bakit ka na naman ipinapatawag? Nakipag-away ka ba?" Whew, ang dami niyang sinabi ah.

"Nah, ako? Makikipag-away?" I pointed myself.

"Fine, so may nagawa ka ba---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon