(Rain's POV)
May activity kami ngayon at dito kami sa gymnasium pinagawa.
"Pens up guys!" Masiglang sabi ng group leader naming si Ayarah. Pinalitan na si Lian dahil masyado siyang iresponsable.
"Ayarah, dito tayo sa part AB, diba?" Tanong sa kaniya ng isa naming ka-group mate.
"Ah, oo. Kasama din yung middle and last part."
Nagsimula na kaming magsagot. Mabilis naman akong natapos dahil nakapag-review pa ako kagabi.
Una pa yata akong nakatapos. Maging si Aeris ay nagsasagot pa rin. Nasa tabi namin ang group two kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila.
Group two si Jace. Busy pa rin siya sa pagsasagot.
Ang gwapo niya..
Hays, ano ba! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sakin. Hindi dapat ako tumititig sa kaniya ng ganito.
Binasa ko na lang ulit yung test paper ko. Dito ko na lang ibubuhos ang atensyon ko.
"Jace!" May tumawag sa pangalan niya. Napatingin naman siya doon. Tumango lang siya pagkatapos nun ay bigla siyang napalingon sa akin. Nahuli niya ako. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
Biglang sumalubong ang kilay niya at pinagpatuloy na lang ang pagsasagot.
"Finally, I'm done." Sambit ni Aeris at napatingin sakin. Katabi ko nga lang pala siya. "Oh bakit?" Tanong niya nang makita akong nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...