Epilogue

428 19 1
                                    

(Third Person's POV)

Tila bumabalik sa kanya lahat ng alaala habang nakatitig sa babaeng nakaratay sa hospital bed. Yung mga panahong bata pa sya kung kailan pilit nyang kinukuha ang atensyon nito.

"Ano ba kasing pangalan mo?" pangungulit ng isang batang lalaki sa batang babaeng nakaupo sa swing.

"Bakit ayaw mo kong pansinin?" pilit nito. Ngunit hindi man lang sya tinatapunan ng kahit kaunting atensyon.

"Sabi ng mama ko  dont talk to strangers.." sambit ng batang babae.

Kahit papaano ay natuwa ang batang lalaki sa unang pagkausap nito sa kanya. Madalas kasi ay hindi ito nagsasalita kahit kausapin.

"Gusto ko lang naman makipagkaibigan.. Paanong hindi ako magiging stranger eh ayaw mo naman sabihin name mo.." sabi nito sa batang babae.

Ang buong akala nya ay muli itong bibigkas ng mga salita para sa kanya pero naglakad na ito papalayo sa kanya. Napaupo nalang ang batang lalaki sa katabi nitong swing. Bakas sa mukha nya ang lungkot dahil ayaw parin nitong makipagkaibigan sa kanya.

Isang buwan na rin ang nakalipas nang una nya itong makita sa park kung nasaan sya ngayon. Sa iisang subdivision sila nakatira kaya madalas ay dito lang din sila nagkikita.

Laging nag-aabang dito ang batang lalaki para lang makita ang batang babae na iyon ngunit madalas ay hindi sya binibigyan ng atensyon nito.

"Umuwi na daw tayo sabi ni Tita." sabi ng isang batang kasama nya, marahil ay pinsan nya.

"Sandali lang.. Hihintayin ko muna sya dito. Baka bumalik sya." malungkot na sabi nya sa kasama.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon