Chapter 32: Hard Time

275 24 8
                                    

(Rain's POV)

Nang subukan nila akong patahanin sa cafeteria kanina ay umalis na lang ako at tumakbo palabas. Kinuha ko muna ang bag ko sa classroom at napagdesisyunang mag-taxi na lang papauwi. Buti na lang at hindi nakabantay ang guard sa schoolgate kanina dahil breaktime kaya madali akong nakalabas.

Umalis ako dahil alam kong tatanungin lang nila ko kung totoo ba yun o hindi, kung anong nangyari, at kung bakit ako pinagbintangan. Nakakapagod, ayoko na munang magpaliwanag tungkol sa bagay na hindi ko naman ginawa. Na ipagtanggol ang sarili ko mula sa bagay na gawa gawa lang. Ayoko munang sagutin ang mga itatanong nila tungkol dun dahil maaalala ko na naman kung paano iniba ni Angel ang kwento, kung paano nila ako pinagbintangan at kung paano siya nagsinungaling.

I want to refresh my mind.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulala lang sa kisame. Mas mabuting magkulong muna ako sa kwartong to ngayon. Wala naman si daddy at sigurado akong si Tita at Jayven lang ang makikita ko sa oras na lumabas ako dito.

Saan na ako lulugar ngayon? Sa school, kalat na ang mga taong pinagtsitsismisan ako, dito naman sa bahay ay dalawang peke ang nakapasok at nanggugulo sa buhay ko. Kung may ibang mundo lang akong pwedeng puntahan, hindi na ako magdadalawang isip na umalis dito.

Yung daddy ko na walang oras para sakin, yung mga taong nanggugulo sa buhay ko, yung taong akala ko mabait, at yung taong gusto ko na wala namang pakealam sakin. Ang hirap hirap. Ayoko ng ganito. Nakakapagod.

Bumabalik lahat sa isip ko yung mga masamang sinasabi ng iba tungkol sakin. Puro masasakit na salita ngayon ang ibinabato nila. Totoo nga talaga yung sinasabi nila, other people will judge without knowing the truth, they will judge you no matter what.

Hindi ko naman hinangad na maging popular type. Sadyang nabuhusan lang ako ng maraming atensyon magmula noong manalo ko sa contest as Campus Princess. If I only know that bad things will happen, I'll just choose to be a nobody than being called bitch because of popularity.

I don't want too much attention anymore if they'll just call me a whore.

Kung hindi lang din ako papansinin ng taong gusto ko dahil dito handa na kong isuko 'to. Hindi ko kailangang makilala ng marami kung masasama lang ang masasabi nila parati. Kung pwede lang sanang burahin ang masasamang alaala ko dapat ito na lang ang mawala kaysa sa alaala ko nung bata pa ko. Life is so unfair!

Ito na naman ako sa pagiging iyakin ko. Kanina pa pala tumutulo yung luha ko tapos ngayon ko lang namalayan.

Paano ko sasabihin kay daddy na ipinapatawag siya sa school kung nasa business siya? Nandito lang si Tita Ivy sa mansion but there's no way na siya ang papuntahin ko dun! Baka mamaya maghasik lang siya ng lagim don.

But... Paano nga kaya 'to? Sigurado akong matagal pa ang uwi ni daddy kaya sino naman ang papapuntahin ko? Daddy is the only one I considered as my parent dahil wala naman na si mommy. Ms. Franco said that I should bring my parent at hindi pwedeng si Tita Ivy yun. No effing way.

Sana kasi buhay pa si mommy para hindi ako namomroblema ng ganito. Ang kaso kahit yung dahilan kung bakit siya nawala ay hindi ko naman alam. I'm so pathetic. Bakit pa kasi kailangang makalimutan ko pa. Pati dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala noong bata ako wala din akong alam. Kainis!

Hindi naman siguro masama kung magme-message ako kay daddy na kailangan siya sa school, di'ba? Sana lang uso pa sa ngayon yung 'miracle happens' para pag nabasa niya yung message ko ay magreply siyang makakapunta siya sa school. Who knows?

Tatayo na sana ako para kunin ang cellphone sa table ko pero bago yun ay nagpunas muna ako ng luha, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sakin ang nakakairitang mukha ni Jayven. Nagmadali ako sa pagpunas ng luha ko.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon