(Rain's POV)
"Rain, Are you listening?" Sambit ni Aeris na hindi ko napansin.
"Hey! Kanina ka pa tulala dyan!" Sigaw niya kaya tuluyan niyang naagaw ang atensiyon ko.
"A-ah, sorry.."
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi pa nagtuturo ang STs natin mukha ka nang sabog dyan!" May pagka-iritang sabi niya.
Kung alam niya lang talaga kung bakit ako tulala ngayon. Hindi na kasi ako mapakali kakaisip sa huling sinabi sa akin ni Axcel kahapon. Nang sabihin ko na baka mapagkamalan siyang boyfriend ko ay hindi ko inasahan ang sagot niya.
"Then, why not?"
Nakakainis! Bakit ba kasi hindi ko iyon maalis sa isip ko. Hindi naman siya ganoon. At base sa mga kwento ni Aeris ay wala pa siyang niligawan. Kung magkaka-girlfriend man ay bihira at di seryoso. Madalas ay away at gulo lang ang hilig niya. Minsan nga ay pati babae ay pinapatulan niya.
But, what's with his gestures? Nagagaya na ba siya kay Niell? Wag naman sana.
Muling naagaw ang atensyon ko nang may marinig kaming malakas na sigawan sa labas. Agad naglakad si Aeris palabas ng classroom para makita kung ano yon. Agad din naman akong sumunod.
Sa gate nanggagaling yung sigawan kung saan di din naman kalayuan sa classroom namin.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...