Chapter 34: Stay

296 21 12
                                    

(Rain's POV)

"Okay lang ba talaga sa'yo? May klase pa kayo ngayon.." sabi ko kay Axcel sabay upo sa bench dito sa campus garden.

"Okay lang yun. Kung di mo naitatanong, matalino din naman ako gaya mo." aniya sabay tawa.

Malaki na rin ang ipinagbago niya. Kung dati hindi siya palatawa at mukhang laging seryoso, ngayon pansin kong hindi na. He's acting normal these days.

"Bigla ka na lang umalis kahapon. Sabi ni Aeris hindi ka na din pumasok matapos nung breaktime. Dahil ba yun sa sinabi ni Niell?" tanong niya at napaiwas ako ng tingin. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin.

"Ikaw ba.. Naniniwala kang itinulak ko si Angel?" mahina kong tanong.

"Syempre hindi. Sa'yo lang ako maniniwala, hindi sa sinasabi ng iba." sambit niya. "Isa pa.. Alam kong hindi mo magagawang itulak sya. She also saved your life so there's no way you'll push her to death." napatingin ako sa kaniya matapos niyang sabihin yun. Nakangiti siya sakin.

"Buti pa ikaw naniniwala sakin. Sila..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

"Hindi? Dahil hindi ka nila kilala kung paanong alam ko kung ano ka. Maybe Angel can fool them but trust me, your true friends can't be." pagkasabi niya nun ay niyakap niya ko.

Thank you, Axcel.. Thank you for being a good friend to me.

"Alam mo bang pinag-uusapan na ngayon kung anong gagawin sakin?" sabi ko habang nakayakap pa rin siya.

"What is that?"

"Pinagdedesisyunan na nila kung isu-suspend o iki-kick out na ko." kumalas siya sa pagkakayakap nang sabihin ko yun.

"Really??" tanong niya at tumango ako. "They're so stupid! Talaga palang pinaniwalaan nila yung Angel na yun."

"Kung sakaling ma-kick out man ako, sana wag mo kong maka---"

"Hindi yan mangyayari, okay?" aniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Pero kung sakali ma---"

"Sshh.. Don't say that or else..." sambit niya at tumingin sa labi ko.

What??

Rain, stop assuming!

"A-ah.. Okay.." ilang kong sabi at tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"Bumalik ka na kaya sa klase mo.." wala akong maisip na sasabihin dahil sa totoo lang na-aawkwardan na ako.

"Ayoko pa. Teka nga? Pinapaalis mo na ba ko?" tanong niya at umiling naman ako agad.

"S-syempre hindi noh! Baka kasi hinahanap ka na sa klase mo."

"Tch. Buti pa nga sila posibleng hanapin ako. Eh yung taong gusto ko, hindi." sabi niya.

Woah. Taong gusto niya?

"What?? Hey, sino yun ah?" agad kong naitanong.

Gulat na napatingin siya sakin pero agad ding nag-iwas ng tingin.

"May sinabi ba ko?" pagmamaang-maangan niya.

"Malinaw pa yung pandinig ko noh. Sino ba kasi yun?" pangungulit ko.

"Wala, wala yun." mukhang nabad mood na siya kaya tinigilan ko na lang ang pagtatanong.

Lagi na lang syang nandito sa tabi ko. Lalo na kapag kailangan ko siya. Bakit ganun? Siya na lang palagi. Siya yung laging ganito sakin. Sana si Jace nalang..

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon