Chapter 36: Disappointment

282 24 16
                                    

(Rain's POV)

Ano kayang pumasok sa isip nya at ginawa nya yun ng ganun kalapit? Pwede namang tumayo sya sa harap ko at sabihing kanya yung kwarto'ng yun at bawal akong pumasok. Nung nakaraang linggo pa yun nangyari pero hanggang ngayon nanggugulo pa din sa isip ko.

Flashback

"It's obviously.. mine.." konti na lang mahahalikan na niya ko. "I'm territorial, Claraine.. I am absolutely territorial.." sambit niya at mas lumapit pa..

It's the first time.. Ito yung unang pagkakataon na binanggit niya ang pangalan ko, nang ganito kalapit.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya ganito. All I can think about now is me and him, so close to each other like we're real couples. I can smell his fresh breath and it's driving me crazy because I can feel it on my lips.

Is this true or I'm just dreaming? He's now looking at my lips. Hindi ko na napigilang mapapikit nang lumapit pa siya ng tuluyan.

...

Lumagpas sya sa labi ko. Ngayon naman ay nararamdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. I wonder if he can hear and feel my fast heartbeat. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

Napamulat ako nang bumulong siya sa tenga ko.

"I'm warning you... Never ever fall..." he whispered in a cold serious tone then he finally gave me a right distance from him. I can breathe fine now but it seems that I want him back. That cold, so close..

Tumingin muna siya ng diretso sakin bago tumalikod at umalis.

End of Flashback


Hays! Hindi pwedeng ganito! May exam pa naman kami mamaya. Baka pangalan pa nya ang maisulat ko dun o kaya yung mga linya niya.

I am territorial...

What the?! Stop it!

"Hoy ulan!" napatili ako nang sumigaw si Niell sa harap ko.

"Bakit ba?? Wag ka ngang nanggugulat!" inis na sabi ko sa kanya pero napangiti lang sya.

"Ang cute mo naman magalit. Hahaha! Bakit ba?? Wag ka ngang nanggugulat!" pang-aasar niya at pilit pang pinaliit ang boses para gayahin ang pagkakasabi ko.

Hayysst! Kainis!

"Hindi ka nakakatuwa.." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Wag ka na ngang magsungit dyan. Ah, ulan! Pakopya ako mamaya ah. Sabi kasi ni dad sakin kukunin nya daw yung examination results ko pagkatapos nitong exam." sabi niya at lumawak pa ang ngiti. "Please??"

Ehh?? Is that what they called puppy eyes? Ang galing nya ah, nagmukha talaga syang tuta.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ikaw tagapagmana nitong Dela Riva tapos mangongopya ka lang sakin? Tumigil ka nga, bawal yan." tanggi ko sa kanya. "At isa pa, wag mo nga akong tawaging ulan.."

Naglaho yung malapad na ngiti sa mukha niya at napa-pout. Really? Pacute ba tong isang to? Kanina parang nagpa-puppy eyes tapos ngayon nagpa-pout naman sya? Oh c'mon!

"Tch. As if namang ako nga ang magmamana nito." mahina niyang sabi. "Ang damot mo."

"Hindi ako madamot. I just want you to realize that cheating is not the key to please anybody. Remember that Niell." sermon ko sa kanya pero agad niya din akong tinalikuran. Grabe talaga tong isang to.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon