I would like to dedicate this chapter sa pinakacute kong si DevilishlyDark. You're wish granted, baby.
(Rain's POV)
Weekend ngayon, Sunday and as usual ay wala si Daddy dito sa mansion. Tanging ang mga kasambahay lang namin ang kasama ko.
"Hayy, what to do?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad-lakad sa garden.
I take some pictures of me here in the garden. Nakakabored talaga. Kung pwede lang sana akong pumunta sa condo unit ni Aeris malamang ginawa ko na. Pero hindi ko naman alam kung saan.
Honestly, hindi pa talaga ako nakapunta doon kahit bestfriend niya ko. I don't know, after all this years na magkakilala kami ay hindi man lang ako nakadalaw ni minsan. Funny.
Babalik na sana ako sa loob ng mansion nang biglang may nagpop-up na notification sa cellphone ko.
It's a text message from an unregistered number.
Sino kaya to?
Hi, can we meet tomorrow? 7:00 AM. DRH cafeteria.
DRH? Dela Riva Academy is the name of my school, but it is also known as Dela Riva High. For sure ang school ang tinutukoy na location.
Napaisip pa ako kung sino ang nag-text pero kung kakilala ko naman ito ay sure akong magpapakilala. Hindi ako nag-reply dahil pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako.
Wait, hindi kaya...
---
Nang makababa ako sa kotse ay agad akong naglakad papuntang cafeteria. I'm just curious kung sino ang may ari ng unregistered number na yun.
Iniisip kong siya yun pero kailangan ko pa ring makasiguro.
Kakausapin na niya kaya ako?
I feel so excited about that thought.
It's already 6:58 kaya meron pa akong 2 minutes para makapunta sa cafeteria on-time.
Malapit na sana ako doon nang biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader.
"Good morning!" sumilay ang mapang-asar na ngiti nito.
"Liezl??" sabi ko at agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Ssshh.. Remain silent, princess.. They might hear you!" aniya at tumawa.
Nakaramdam ako ng takot sa kaniya dahil na rin sa ginawa niya sakin dati. She almost kill me!
Nakita kong itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako pero may humawak sa braso niya dahilan para mapigilan ang pagsampal niya sakin.
"Don't you dare.." he said as he glares at Liezl.
Gulat ang reaksyon ni Liezl at agad iyon napalitan ng sakit nang pilipitin ng lalaki ang braso niya.
"Axcel.."
"A-aargghhh!! It hurts!" sigaw ni Liezl nang pilipitin ni Axcel ang braso niya.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...