Chapter 43: Story To Tell

277 17 1
                                    

(Rain's POV)

"C-claraine.." nagulat ako nang sambitin ni Angel ang pangalan ko.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ko naman masasabing guni-guni ko lang to ngayong nakikita ko si Angel at Jace na magkasama.

Magkasabay kumakain ng lunch nang silang dalawa lang..

"Jace?? Bakit magkasama kayo nyan?" may pagka-inis na tanong ni Aeris na nasa gilid ko lang.

Wala akong masabi. Sa dinami-dami ng babaeng pwedeng mapagtuunan ng pansin ni Jace, bakit si Angel pa?!

"Any problem? I want to spend time with her, with Angel." walang emosyong sagot ni Jace kay Aeris at nagkatinginan nalang si Aeris, Niell at Axcel.

May sinabi pa si Aeris pero hindi na ko nag-abala pang pakinggan. Hindi ko na napigilang maglakad palayo ramdam kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

Nakakainis! Ayokong makaramdam ng ganito!

Maraming nakatingin samin. At ayokong may makakita na bigla bigla na lang akong maluluha habang nakatingin kay Jace at kay.. Angel.

"Rain!" rinig kong tawag sakin. Boses yun ni Axcel at dahil ayokong masundan nya ko ay mas nagmadali ako sa paglalakad.

Traydor talaga 'tong mga luhang 'to! Pilit ko mang pinigilan pero balewala dahil nag-unahan na silang tumulo mula sa mga mata ko.

Bahala na! Tutal wala naman na ko sa cafeteria siguro naman wala nang mag-aabalang tumingin sa mukha ko dito sa labas at mukhang may tinatakasan sa pagmamadaling pumunta sa kung saan.

Bakit si Angel? Bakit dun sa taong hindi naman karapat-dapat sa kanya?? Sana naman naalala nyang si Angel ang nagpahamak sakin. Na si Angel yung dahilan kung bakit ang sama sama na ng tingin sakin ng schoolmates namin. But the question is, sa side ko nga ba sya naniniwala na sadyang pinasinungalingan lang ni Angel yung issue'ng nangyari? O yung kasinungalingan talaga ni Angel ang pinaniniwalaan nya? Yung sinadya kong itulak si Angel sa rooftop na isa lang namang malaking kasinungalingan?

Agad kong isinara ang pinto ng cubicle na pinasukan ko. Dinala ako ng mga paa ko dito sa restroom at buti na lang walang tao dito ngayon.

Yung kaninang pilit na pagpipigil ko ng luha ay nadagdagan na ng paghikbi ngayon. Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawang kamay sabay pumikit nang mariin. Kainis! Bakit kailangan pang maging ganito ang reaksyon ko?!

Gusto ko lang sya. Ang alam ko gusto ko lang si Jace! Pero bakit nakita ko lang syang kasama si Angel, nasasaktan na'ko??

Such a weird feeling!

Kahit ako hindi alam ang pinaka dahilan kung bakit sya pa ang unang taong nagustuhan ko. Kung sa itsura ba? No, it's a no. Alam kong hinding-hindi ako magkakaganito sa isang tao dahil lang sa physical looks nya. Hindi ko rin naman masasabing sa ugali dahil never pa naman nya akong pinakitunguhan ng maayos. Ah basta! Hindi talaga ko sigurado. Ang tanging alam ko lang, sa tuwing nakikita ko sya, madalas hindi ko alam kung ano ang tamang iaasta. Sa bawat pagkakataong nandyan sya, gusto kong mapansin nya ko. At higit sa lahat, yung dating hindi ko pinaniniwalaan na kapag nakikita mo ang taong gusto mo, may weird na pakiramdam na bigla bigla na lang bibilis ang tibok ng puso mo. Nakakahiyang aminin sa iba pero totoo.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon