Chapter 09: Payback

429 30 9
                                    

(Rain's POV)

"Nakakainis!" Iritang sambit ni Aeris. "Leader siya tapos sa atin ipapaproblema lahat ng visuals? Siniswerte ba siya!" Agad siyang naglakad papunta dun sa leader naming si Lian.

"Ae, chill! Wag mo naman siyang awayin." Pigil ko sa kaniya. May kasungitan pa naman si Lian.

"The heck! Hindi ko aawayin ang impaktang yan! Well, kung gusto niya. Why not?" Agad niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Lian." Nagpipigil siya ng inis. "Bakit kaming dalawa lang ang pagagawan mo lahat ng visuals? Sixteen back to back papers yun plus thirteen cartolinas for your info." Reklamo ni Aeris.

"Oh bakit? Anong problema mo? Dalawa naman kayo ah." Mataray na sagot ni Lian.

"Wow. Dalawa na kami? Sa dami nito sa tingin mo magagawa na namin to hanggang mamaya?"

"Bakit ba nagrereklamo ka pa ha?!" Masungit na sabi ni Lian. I knew it! Panigurado mag-aaway ang dalawang to.

"Talagang magrereklamo ako! Anong ginagawa niyo? Tatanga lang kayo dyan samantalang kami magpapakahirap?" Inis na inis na sabi ni Aeris.

"What the hell! Kung kanina niyo pa sinimulan yan edi sana may nagawa na kayo ng peste mong bestfriend!"

"You bitch! Sinong tinawag mong peste ha?!" Agad itinulak ni Aeris si Lian.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon