(Rain's POV)
The next day ay naging normal naman ulit ang lahat. Ang ilang mga kaklase ko ay panay ang daldal sakin tungkol sa nangyari. Buti raw at nandun ako, ano daw ginagawa ko dun, sino daw yung babaeng muntikan nang mahulog at kung anu-ano pa.
Puro sila tanong at pakikibalita tungkol sa nangyari lalo na kahapon matapos na kausapin kami ng advisers namin. Ipinatawag kasi kami ni Liezl kahapon para pumunta sa faculty.
Kailangan daw nilang ipaalam yun sa parents namin para hindi na daw sila mag-alala pa nang husto lalo na't kung sa iba pa nila malalaman. Sadly, mukhang ako lang ang may parent kahit papaano kumpara kila Liezl at Angel na wala na palang mga magulang.
I was surprised na silang magkapatid na lang pala ang magkasama sa buhay.
Sinabi ko naman lahat ng nangyari kay daddy nang makauwi ako kahapon. Nag-alala siya sakin at agad kinumusta kung okay lang ba ako, of course I said yes. Natuwa siya nang malamang nakatulong ako kay Angel, but his smile faded nang malamang may kaugnayan si Liezl rito.
He honestly don't like Liezl dahil sa ginawa nito sakin.
In the end, natapos ang conversation namin ni daddy dahil sa pagdating ni Tita Ivy.
"Wag niyo na nga siyang kulitin." saway ni Aeris sa dalawa kong kaklase na panay pa rin ang pagtatanong.
Kung hindi pa dumating si Sir Velariz ay hindi pa sana sila titigil sa pangungulit.
"Here comes the hukluban.." mahinang sabi ni Aeris habang naglalakad si Sir papunta sa front desk. Tiningnan ko naman siya na para bang sinesenyasang tumigil.
At dahil may pagka-terror talaga tong si Sir Velariz ay tahimik lang kaming lahat habang nagdi-discuss siya sa harap.
...
...
...
Nang tumigil sa pagsasalita si Sir Velariz para kunin ang visual aid niya sa desk ay ganun pa rin ang paligid.
Silence. The room was filled with silence until the beeping sound of phone breaks it. Automatic na lumingon si Sir Velariz at tiningnan ang bawat isa samin nang marinig ang tunog na yun.
Lagot..
"Kaninong cellphone yun??" mataas agad ang kaniyang boses. Nakarinig na ako ng mga bulung-bulungan mula sa mga kaklase ko.
Hindi huminto ang tunog kaya mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ni Sir Velariz.
It seems that someone is calling dahil patuloy pa rin ang pagtunog niyon.
Kanino ba kasi yun?
Bakit parang malapit lang sakin yung tunog?
Lumingon-lingon ako sa paligid ko pero hindi naman sa kanila nanggagaling yung tunog na yun. Nang tingnan ko si Aeris ay nakakuyom ang kamay niya at mukhang inis na. I saw the light flashing inside her pocket. Dun nanggagaling ang tunog.
"Hey.. That's yours right? Bakit hindi mo isinilent? Turn it off..." sabi ko sa pinakamahinang boses, sapat lang para marinig niya.
Hindi naman siya kumilos para i-off ang phone niya and... Mukhang useless na din naman dahil nasa gilid na niya si Sir Velariz.
"Give me your phone!!"
Biglang nawala ang tunog matapos ang sigaw niyang yun. Napairap naman si Aeris dahil sa sigaw na yun ni Sir at hinugot ang cellphone mula sa bulsa.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...