(Rain's POV)
"What are you doing here?!" inis na tanong ko sa taong hindi pa rin tumitigil sa pagtalon sa kama ko.
I think Manang was wrong. My hunch a while ago is right, Tita Ivy really brought her monkey here.
Pabagsak itong humiga sa malambot kong kama.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinagisan niya lang ako ng unan.
"Urgh! I hate you! Anong ginawa mo dito sa kuwarto ko at nagkagulo-gulo?!" inis kong sigaw habang siya ay nakatingin lang sakin.
"Do I really need to tell you one by one?" tanong niya na halatang nang-iinis. "Okay, first, kinalkal ko ang mga gamit mo sa cabinet. Then, I hide on the other big cabinet kaya nagkagulo ang mga damit dun, since magulo na din naman, inilabas ko na lang at ikinalat dito. I just want to experience having colorful rags for the floor using your girly clothes. Uh, another thing, wala ka palang make up kit, I thought you're using such stuffs like that kaya---"
I cut him off before I totally burst in anger.
"Get out of here!!" Galit na galit kong sabi habang itinuturo ang pinto.
Halos manggalaiti na ako dito pero siya naman ay nag-pout lang.
"Ah-uh, Rainy.. Not now, I want this room so you better go out. Not me, my cousin slash future stepsister.." sabi niya at napaupo sa kama ko.
Hindi talaga sila nabibigong inisin ako. They're the only people who can tap my hateful personality to show off. Parehong pareho sila ni Tita Ivy! Parehong pareho silang mag-ina.
"Oh, come on dream on!" tila hindi ko makapaniwalang sabi. "Maraming guestroom dito kaya lumabas ka na! You can freely choose all you want!" dagdag ko pero hindi niya inintindi ang sinabi ko kundi ay niyakap niya pa ang isang unan habang nang-aasar na nakatingin sakin.
"I can't say how excited I am to finally have a surname from a father. All of my life, I'm just using mom's last name because I don't have my father beside me. But look, now I am going to be a Villandre too!" pagpapamukha niya sakin "Oh, there's no word to explain how eager my mom is. She really wanted to be a Mrs. Yvhonne Ross Villandre! Aren't you happy for her, for us?" dagdag pa niya.
Fine! Fine! Edi kayo na!
Kung prank lang nilang mag-ina ang lahat ng to ay hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko! Gusto kong kumpirmahin kay daddy kung talaga nga bang sila ni Tita Ivy pero pakiramdam ko ay mas lalo lang madadagdagan ang inis at galit ko. Does he really forget mommy already? And worst, bakit si Tita pa ang ipapalit niya, na kapatid pa ni mommy?
I should be happy for him but I can't help it to feel the other way dahil sa pakikitungo sakin ni Tita. She's so bad to me! Kunwari lang siyang mabait kapag nakaharap si daddy, pero lumalabas na ang totoong kulay niya pag kami na lang dalawa. So tell me, how can I be so happy if I hate the person that will soon to be my family?
"You know, I can now imagine their wedding---" tinalikuran ko si Jayvien at akmang lalabas na dahil nagsalita na naman siya ulit.
Bahala siya sa buhay niya!
"Hey! Can you give me a cash?!" pahabol nito habang naglalakad na ako papalayo sa kuwartong yun.
Ha! Pakialamero na nga ang kapal pa ng mukha! Mukhang pera talaga siya.
From now on, hindi na yun ang kuwarto ko! Alam ko namang wala akong magagawa para bawiin pa yun sa kaniya. I can move to other room, ganun lang kadali! Basta ayoko nang makipagtalo pa sa lalaking yun!
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...