Chapter 40: Talented Three

267 22 13
                                    

(Rain's POV)

Mas lalong lumakas ang nakakabinging tilian nang magsimula ang pagtugtog ng music para sa performance ni Niell.

"OH MY GOD!! WE LOVE YOU NIELL!!"

"ZINIELL RION!! AKIN KA NA LANG!"

Tila ba naging instant concert ang kaninang maayos na audition. Nakita ko ang pagpasok ng iba pang estudyante dito sa Building 4 para lang mapanood ang performance nya.

"Ang ingay nila masyado.." sabi ni Aeris saka tinakpan ang dalawang tenga.

"Si Ziniell yan eh." sabi ko sa kanya at napangiti na lang.

"🎶 Everybody gets high sometimes, you know
What else can we do when we're feeling low?
So take a deep breath and let it go
You shouldn't be drowning on your own
And if you feel you're sinking,
I will jump right over into cold, cold water for you..🎶"  halos mapasabay na din ang ilan sa pagkanta nya ng 'Cold Water' ni Justin Bieber. Tila ba hindi sila nauubusan ng boses sa kakatili lalo na sa galing ng sayaw na ipinapakita nya. Ang galing, kayang kaya nyang sumayaw habang kumakanta. He got the cool moves.

He owned the stage while performing. Kulang na lang talaga ang lights and effects at magiging concert na. "🎶 And although time may take us into different places
I will still be patient with you
And I hope you know
I won't let go
I'll be your lifeline tonight
I won't let go
I'll be your lifeline tonight.🎶"  napapapalakpak na ko kahit hindi pa man sya tapos.

But, wait? I will still be patient with youNagkataon lang ba o sinadya lang nyang piliin ang kanta na yun para kay Aeris?

Uhh, nag-aassume lang siguro ako. Baka nagkataon lang.

"Hindi naman sya magaling." komento ni Aeris habang nagpeperform pa si Niell. Eh?? Kung sakaling tama nga ang iniisip ko, baka sa'yo pa nya gustong idedicate ang performance nyang yan eh.

"Really?? Hindi ka pa naimpress eh ang galing galing nga nya oh." hindi makapaniwalang sabi ko saka ibinalik ang tingin ko kay Niell.

"🎶 Cause we all get lost sometimes, you know?
It's how we learn and how we grow
And I wanna lay with you 'til I'm old
You shouldn't be fighting on your own
And if you feel you're sinking,
I will jump right over into cold, cold water for you
And although time may take us into different places
I will still be patient with you
And I hope you know..🎶" nashock pa ako nang biglang tumingin sa direksyon namin si Niell nang banggitin ang huling line na yun.

Nah, hindi lang pala sya basta tumingin sa direksyon namin kundi tumingin sya mismo kay Aeris nang banggitin ang line na I will still be patient with you
and I hope you know. Sabi ko na nga ba eh. Kay Aeris nya talaga idinededicate ang performance nyang yan.

"He looked at you.." sabi ko kay Aeris sabay ngisi. Para naman kasi syang bato eh. Never ko pa sya nakitang kiligin. Kung si Jace expressionless, sya naman parang walang sweet bones sa katawan. Nginiwian nya lang ako ng sabihin kong tumingin sa kanya si Niell.

"And so?" she winced.

Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong first floor ng Building 4 nang matapos ang performance ni Niell.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon