I Like to dedicate this chapter to GHIEbeloved. Hi my Ate. Thank you very much for the FYTCB book cover. More power to your stories.
Rain's POV
May meeting ang teachers kaya nilamon na kami ng pagkabagot dito sa loob ng classroom. Halos may kaniya-kaniyang mundo ang ilan sa amin ngunit napupuno pa rin ng kaingayan dahil sa mga kaklase ko. Sana ay binigyan man lang kami ng gawain ng subject teacher namin ngayon.
Wala man lang akong makausap dahil kanina pa nakayuko si Aeris sa kaniyang table at natutulog. Naisipan kong ireview na lang ang mga recent lectures sa notebook ko ngunit pagkalabas ko nito sa bag ko ay may nalaglag na papel.
Ngayon ko lang ulit naalala. Agad kong pinulot ang ipinapabigay na love letter ni Nayah para kay Niell. Nakalimutan ko nga pala itong ibigay sa kaniya kahapon sa cafeteria.
Nang tingnan ko ang pwesto ni Niell ay wala naman siyang ginagawa, busy lang siya sa pakikipagkwentuhan kay Jace. That oh so cold snob guy.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at mabagal na naglakad papunta sa seat nila.
"Niell." Tawag ko sa kaniyang pangalan nang makalapit ako. Agad ko namang iniabot ang papel sa kaniya. Halos mangawit pa ako nang titigan muna niya iyon.
"What was that for?" Nagtataka ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...