(Rain's POV)
Agad kaming napatingin sa nagsalita. Nakatayo sya sa likod namin habang matalim kaming tinitingnan. Kasama pa niya ang dalawa niyang alipores. Bitch!
"Sa dinami-dami ba naman ng makikita ko dito ikaw pa talaga?"tumaas ang isang kilay ni Aeris. "Know what? Hindi ka dapat nandito. For sure, mawawalan sila ng gana pag nakita yang nakakasuyang pagmumukha mo!" Patuloy ni Aeris habang ako ay kinukuha na ang pagkain namin.
"C'mon Aeris. Don't you like me as your friend?" Aniya at nagpakita ng nakakalokong ngiti.
Bakit ba nanggugulo pa ang isang to'? Wag nyang sabihing maghahamon na naman sya ng away. Kahit naman bitbit nya ang dalawang alipores na kasama nya ngayon ay wala siyang panama kay Aeris.
"Well.. Hindi ko kailangan ng katulad mo. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa maging kaibigan ka. Bitch!"
"Hindi ka parin talaga nagsasawa sa weak na 'to!" Sambit niya sabay tingin at tabig sa hawak kong pagkain. Ghad! My Uniform!
"What a freak!" Agad siyang tinulak ni Aeris ngunit nahawakan sya agad ng dalawa nyang alipores. Sigurado akong pagbibigyan na niya ng gulo ang isang to.
"Freak? Who? Is it me?" Bahagyang natawa pa siya sa harap namin ni Aeris habang umaayos ng tayo. "Im not, Aeris. That girl! She's a freak weak! Dumidikit lang naman yan sayo dahil mahina sya! Ano ka back-up nya? Body Guard? You're so pathetic! Ginagamit ka lang nyan!" Diretsyong sambit nito.
Parang nabingi ako sa mga katagang sinabi nya, halos hindi ko na magawang mapakinggan pa kung anong isinagot sa kanya ni Aeris. Yun ba talaga ang tingin nila sakin? Dumidikit lang ako kay Aeris dahil mahina ako? Tingin ba nila ay ginagamit ko lang sya para maiiwas ang sarili ko sa mang-aapi sakin? Ang sakit. Masyadong matabil ang dila mo Liezl Ahn. Kahit kailan ay hindi ko ginamit ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
For You To Come Back
Teen FictionPaano kung naghintay ka para sa kanya sa loob ng mahabang panahon? Sa sobrang pagmamahal mo ay sinunod mo ang kagustuhan niyang hintayin siya sa kanyang pagbabalik? Ngunit paano kung hindi siya dumating? Kung dumating man, yun ay yung panahong suko...