Chapter 31: Unexpected Protector

303 22 6
                                    

(Angel's POV)

"Iwan niyo muna kami." utos ni Ms. Franco nang makalapit si Claraine sa kaniya na patuloy pa rin sa pag-iyak.

At gaya ng utos niya, lumabas na kaming lima sa guidance office.

I glanced at them before leaving.

Claraine, I'm very sorry...

Hindi ko akalain na gagamitin din ni unnie ang tatlo niyang kaibigan para madiin si Claraine sa ibinibintang sa kaniya. Ang akala ko ako lang ang idadamay niya, na ako lang ang kailangang magpanggap para mas masisi siya. Hindi ko inexpect na may nakahanda pa silang video.

Nauna na sa paglalakad si unnie nang wala man lang sinabing kahit ano. Sinabayan ko na lang sa paglalakad itong tatlo pa niyang kaibigan.

Bakit kailangan pa nilang gawin yun?!

Hindi na ako nakatiis habang nasa likod nila ako.

I grabbed the arm of the one of them, the one with thick eyeglasses.

Napatili ito nang gawin ko iyon. Gulat namang napalingon ang dalawa.

"Sino yung kumuha ng video?!" galit kong tanong at agad namang itinuro ng dalawa itong babaeng hawak ko sa braso. Kita ko ang paglunok nito nang ituro siya.

Muli ko pang tiningnan ng masama ang dalawa niyang kasama at bigla na lang tumakbo ang mga ito. Wala na akong balak habulin pa sila kaya binalingan ko na lang ulit ng tingin ang babaeng hawak ko.

"Why did you do that?!" sigaw ko sa kaniya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya. "Isa ka rin ba sa mga kaibigan niya ha?!" naitanong ko dahil ngayon ko lang nakita na nakasama siya ni unnie.

"N-no! I am not her friend.. Totoong navideohan ko kayo n-nung papaakyat ako sa rooftop. B-but si Claraine lang naman talaga ang kinukunan ko ng video nun para ipakita sa kuya ko! He have a crush on her tha---"

"Stop that storytelling! Kung hindi kayo magkaibigan, paano niya nalaman na may videong ganun?!" I asked at mukhang takot na takot naman siya.

"Y-yung dalawang babaeng kasama ko k-kanina.. Papunta din sila sa rooftop nun at mukhang nakita nila kung ano ang vinivideo ko. Nagulat ako nang makitang nadulas ka kaya itinigil ko yung pagvivideo. Bababa na sana ako nun para humingi ng tulong p-pero pag talikod ko, nandun yung dalawang babae sa likod ko..." natigilan siya sa pagpapaliwanag.

"Tapos?"

"M-mukha nga silang shocked n-nun eh! Nakaharang sila sa hagdan kaya hindi ako makababa, I excused myself pero bigla na lang nilang kinuha ang cellphone ko saka inunahan ako sa pagbaba!" naiyak siya matapos sabihin yun. "N-nataranta ko that time.. Hindi ko na inalala ang cellphone ko dahil ang gusto ko lang nun ay makahingi ng tulong. Kaya please, wag kang magalit sakin..." tila nagmamakaawa niyang sabi.

Binitawan ko ang braso niya sabay iwas ng tingin. Magsasalita na sana ako pero tumakbo na siya habang umiiyak pa rin.

So, that's it?! Kahit inosente ay idinadamay nila unnie sa kasamaan ng ugali nila?? I wonder kung yung dalawang babae kanina ang mga tunay niyang kapatid at hindi ako.

I can't believe them. Kaya pala nakarating kay unnie ang video na yun dahil sa dalawang babaeng yun. At talagang ginamit pa nila para pagbintangan si Claraine!

I didn't expect this to happen. Kung ang bintang lang na ipinagawa sakin ni unnie ang pagbabasehan ni Ms. Franco, posible pang hindi niya ko paniwalaan. Pero dahil sa video'ng yun, sigurado akong madidiin talaga siya!

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon