Chapter 13: With Him

430 28 10
                                    

(Rain's POV)

"Sorry na Ae. Please, bati na tayo." Malambing na sabi ko sa bestfriend ko habang siya ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Bakit ka nagso-sorry?" Walang kabuhay-buhay niyang tanong.

"Uhm, kasi nagreklamo pa ako nung iginanti mo ko kay Lian?" Tiningnan niya ako saglit pero agad din ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Ehh.. Please? Sige na kasi. Bati na tayo, please please please." Nag-try pa ako mag-puppy eyes sa kaniya.

Nang mapatingin siya sakin ay tanging "Okay." ang isinagot niya.

"Talaga? Bati na tayo ah. Promise mo yan!" Natatawa tawa pa ako habang nagsasalita. "Sabi na eh. Di mo ko matitiis."

"Hindi mo man lang ba naisip na sa ating dalawa, ako dapat yung nag-sorry?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "For what I said. Remember?" Dugtong niya.

'... Dahil mahina ka.'

Muli kong naalala yung ilan sa mga nasabi niya. Agad ko naman itong binura sa isip ko.

"Ano ka ba? Hahaha. Balik na naman ba tayo don?" Muli akong napatawa ng pilit. "Okay na yun. Wala na yun sakin."

"Sorry for that."

"Aeris ikaw ba yan?" Napatawa pa ako para maalis ang pagka-seryoso niya sa moment na to. "I heard your rare word again." I gave her my eye smile. Napatawa na din siya ng bahagya.

For You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon